Episode 50 Habang nag hihintay kami Xavier kay Alec na mailigtas ng mga tauhan nito ay hindi ko mapigilang mapaiyak ulit nang makita ko itong nakasakay sa stretcher habang mabilis na dinala sa may ambulansya. Marami din akong nakitang dugo sa kanyang damit at sa kanyang may uluhan. Sa takot at sa lakas ng aking iyak ay nawalan ako ng malay at hindi ko na alam kung ano ang nangyari kasunod. Nagising nalang ako na naka higa na ako ngayon sa isang hospital bed. Mabilis naman akong tumayo nang maalala ko si Alec at ang kanyang kondisyon nang huli ko siyang nakita. “Naime, huwag ka muna tumayo, delikado.” Sabi ni Isabelle na nandito pala sa aking tabi ngayon. Hindi ako nakinig sa kanya at tumayo na galing sa aking pagkakahiga. Muntik pa akong bumagsak nang biglang umikot ang paningin ko, bu

