PARAng gusto kong kilabutan habang sinisipat iyong suot ko sa harap ng salamin. Ngayong araw ko isasagawa ang first round ng pang-aakit mission ko. Ayon kay Ellie dapat daw sexy iyong lagi kong isuot dahil ganun daw niya naakit si Rusca. Kaya ngayon, umagang-umaga ay suot-suot ko ang pekpek shorts na pinadeliver pa talaga dito ng supportive kong mga kaibigan. Halos kunting tuwad ko na lang kita na ang puwet ko. Mas may natatago pa nga kung nagpanty-short nalang ako kaysa sa langyang shorts na ito na kita na ang puwet ko. Halos labas naman iyong dede ko dahil sa suot kong plunging neckline ek-ek na sleeveless na see through na damit na pang-itaas ko. Para ako nitong nagbebenta ng kaluluwa, kulang na lang price tag, letse!! Normal pa bang isuot ito eh para na akong nakahubad nito.

