MASIPAG NA KASAMBAHAY‼️

2221 Words
MAAGA pa rin akong bumangon, kahit puyat ako sa kakaisip kay Sir Jay buong magdamag. Grabe talaga ang naging ipekto ng tagpong iyon sa aming dalawa kagabi. Magdamag akong parang kinukuryente. Bumangon ako at agad akong nag gayak, para pumunta sa kitchen ng mansion at maghanda ng agahan naming lahat. Halos sabay-sabay naman kaming magkakasama na nagising at lumabas ng bahay namin. Agad kaming naghanda ng mga lulutuin, kaya parang nawala ang antok ko. Habang naghihiwa ako ng pansahog sa lulutuing noodles ni Nanay Maring ay nakikinig naman kami ng balita sa radio. Nakasanayan ni Nanay Maring na magbukas ng radio sa umaga, kapag nagluluto kami, para daw malaman niya ang mga balita sa bansa. Buti na lang at may kasamang awitin ang pinapakinggan namin, kaya hindi nakaka antok. Nakaka umay na rin ang mga balita sa radyo at television. puro mga pulitikong magnanakaw sa kaban ng bayan ang paulit-ulit na binabalita. Pagkatapos naming maluto ang mga pagkain ay agad naming inilabas sa likod-bahay ang para sa mga kasamahan naming mga lalaki. Mayroon dining room dito sa likod na konpleto sa gamit, para sa mga lalaki. May aircon din ito, kaya makakakain sila nang husto na hindi pinagpapawisan. Nagpainit din ako ng tubig para sa kanila, para may magamit sila sa pagtetempla ng kape. Matapos naming mailapag sa lamesa ang mga pagkain ay tinawag naman ni Ate Jaquie ang mga kasamahan naming nagtatrabaho dito sa mansion para makakain ng kanilang agahan. Bumalik din agad kami sa loob ng kusina para doon naman kami kumain ng aming agahan. Nag templa muna ako ng kape, bago ako umupo sa aking upuan at kumain ng agahan. Tahimik akong kumakain nang biglang magtanong sa akin si Nanay Maring. "Anak, bakit parang nangingitim ang paligid ng mga mata mo? Hindi ka ba natulog kagabi?" pagpuna sa akin ni Nanay Maring. Napatingin din sa akin sina Ate Gema, at ate Denz. Nagtataka silang napatingin sa mga mata ko, para alamin kung totoo ang narinig nilang turan ni Nanany Maring. "Baka naman hindi kana natulog, dahil sa bago mong cellphone? Ay, huwag mong gagawin yan, Joy, baka masira ang mga mata mo. Kaganda-ganda mo pa naman, tapos mabubulag ka." saad ni Ate Gema. "Ikaw naman, para kang hindi nanibago noong una kang naka hawak ng cellphone. Baka nga mas malala ka pa kay Joy noon, eh!" tukso naman ni Ate Denz sa kanya. "Hindi po ako nag cellphone kagabi. Nakalimutan ko na nga po na may binili pala kayong cellphone ko. Hindi ko pa pala inilalabas mula sa dala kong bag kahapon." tugon ko sa kanila at muling sumubo ng noodles. "Eh, bakit ka nagkaroon ng tag isang kilong eyebags?" tanong naman sa akin ni Ate Gema. Hindi talaga siya kombinsido sa sinabi ko. "Eehhh!" alanganin na sambit ko. Kinamot ko rin ang ulo ko, dahil nahihiya akong sabihin ang totoong dahilan. "Joy?" -Nanay Maring. "Eh, Nay, nakakahiya po kasi. Hayaan na lang po ninyo ako, matutulog na lang po ako mamayang hapon kapag natapos ko nang maaga ang mga trabaho ko." sagot ko kay Nanay. Kinakabahan din akong napalingon sa pintuan, baka biglang pumasok ang mga amo namin. "Pag balik natin sa bahay mamaya, sabihin mo sa amin ang dahilan." ma otoridad na sabi sa akin ni Nanay Maring. Tumango na lang ako, para hindi na sila magtanong pa. Nagsisimula na naman akong makaramdam ng pag init ng tainga, kasama ng aking pisngi, dahil muli ko na namang na alala ang nakita ko kagabi. Lalo akong yumuko para hindi nila mapansin ang mukha kong namumula. Pagkatapos naming kumain at magligpit ng mga kinainan namin ay agad akong nagpaalam para masimulhan na ang mga trabaho ko. Sinabi din ni Nanay na hindi daw umuwi si Sir Jay kagabi, kaya napanatag ang loob ko. Inuna ko na ring iligpit ang kuwarto niya, para matapos ito bago siya umuwi mamaya. Mabilis lang naman akong natapos sa kuwartyo niya, dahil malinis naman ito. Inayos ko lang ang kama at kinuha ang mga labahin, saka ko nilinis ang banyo. Mabilis ko ring pinunasan ang mga table at nag vaccum ako ng sahig, saka ako nag mop. Agad kong isinara ang kuwarto at isinunod ko naman ang ibang mga kuwarto. Sa kuwarto nina Madam Emily at Master naman ako naglinis. Maaga silang umalis kanina, kaya wala nang tao dito sa loob. Huli kong nilinis ang mga bakanting kuwarti. Kahit walang gumagamit sa mga ito ay araw-araw pa rin ang pagwawalis at pagpupunas namin. Once a month naman ang pagpapalit ng mga kurtina at paglilinis ng bintana. Ganon din sa mga bed sheets. Pero kung may darating na bisita ay agad kong pinapalitan ang bed sheets, para mabango at malinis na gagamitin ng bisita. Every once a week naman ang pagpapalit kapag may gumagamit ng kuwarto. Kailangan din na linisin ang mga toilet bowl araw-araw sa mga kuwarto, kahit walang gumagamit. Babaho daw kasi at magkakalumot, kapag hindi nilinisan. Mabilis akong natapos, dahil nasanay na ako sa mga trabaho ko. Madali ding linisin ang mga kuwarto, dahil dati nang malinis ang mga ito. Maintain lang ang ginagawa ko. Bago magtanghalian ay tapos na ako sa mga trabaho ko. Agad akong bumalik sa bahay namin at nag shower, bago muling tumulong sa paghahanda nang tanghalian namin. "Aba, mukhang ganadong magtrabaho ngayon ang bunso natin. Ang aga nakatapos ah!" tukso sa akin ni Ate Gema. "Binilisan ko talaga Ate, para makatulog ako mamayang hapon na hindi nag aalala na baka mapasarap ako ng tulog at hindi matapos ang mga gawain ko." sagot ko. "Mag meryenda ka muna, Anak, bago ka tumulong sa pag gayat ng gulay." sabi ni Nanay. Binigyan niya ako ng isang sandwich at isang basong juice. "Hanga talaga ako sa kasipagan mong bata ka. Kahit hindi ka sabihan sa mga trabaho mo, ikaw na mismo ang nagkukusa." dagdag pa niya. "Salamat po, Nanay!" malambing ang boses kong pasalamat sa kanya. Natutuwa ako dahil naa-appreciate nila ang trabaho ko. "Joy, samahan mo pala ako mamayang gabi sa Airport. Ihahatid natin sina Madam at Master. Babalik daw sila sa Paris, para tingnan ang mga negosyo nila doon." sabi sa akin ni Nanay Maring. "Talaga po, Nanay?" natutuwang sagot ko. Natutuwa lang ako, dahil makikita ko na ang Airport. Sa TV ko lang kasi ito nakikita dati, kaya tuwang-tuwa akong malaman na gusto akong isama ni Nanay sa paghahatid sa mga amo namin. "Oo, Anak, para unti-unti kang masanay sa mga lugar dito sa Maynila. Gusto kong matutunan mo ang pasikot-sikot sa lugar na ito para hindi ka mawala kapag mag-isa ka lang sa labas." sagot niya sa akin. "Sige po, Nay! Hay, sa wakas makakakita na rin ako ng eroplano." kinikilig na sambit ko. Matapos naming mag lunch ay muli akong bumalik sa bahay namin para matulog. Nakakaramdam na rin ako ng matinding antok, kaya gusto ko nang matulog. Nagising ako dahil sa pagtawag sa akin ni Nanay Maring. Pinaghahanda na niya ako para sa pagpunta namin sa airport. Agad akong bumangon at muling naligo, para magising ang dugo ko. Para kasing gusto ko pang matulog, dahil sa kakulangan ng tulog kagabi. Kumain muna kami ng dinner, bago kami umalis. Midnight pa daw ang flight nina Madam At Master, kaya may oras pa kaming kumain at makapag ligpit. "Joy, mag suot ka ng jacket, baka lamigin ka mamaya sa loob ng airport. Malamig pa naman doon sa loob." sabi sa akin ni Madam Emily, kaya muli akong bumalik sa kuwarto ko, para kumuha ng jacket. Sakay kami ng Limousine ng mga Del Valle, patungo sa Airport. Habang nasa daan kami ay nasa labas naman ang paningin ko. Nag e-enjoy ako sa pagtingin sa nga ilaw ng mga nagtataasang building at mga signboard na nadadaanan namin. Hanggang sa makarating kami sa airport. Bumaba kaming lahat, pati ang mga kasama naming bodyguard na laging kasa-kasama nina Madam Emily at Master James. Ako ang nagtulak ng trolley na nilagyan ng mga bagahe ng mga amo namin, samantalang si Nanay Maring naman ay naglalakad lang at naka sunod sa mag asawa. Ang mga bodyguard naman nila ay hiwa-hiwalay, para hindi mahalatang may nagbabantay kina Madam at Master Sumunod lang ako sa kanilang tatlo, habang ang mga mata ko ay abala sa kakatingin sa buong paligid. Lalo na nang makita ko ang Duty Frɛɛ. Parang gusto kong bumili doon ng chocolates. Deretso kaming pumasok sa loob ng check in area. May ipinakita lang si Master James sa mga guard at pinayagan kaming makapasok sa loob. Umupo pa kami sa isang Lounge sa loob, habang hinihintay ang eroplano. Nang tawagin na sina Madam ng isang stewardess ay saka pa lang kami pinalabas. Ang mga stewardess na ang nagdala ng mga bagahe nila madam papasok sa eroplano. Kami naman ay muling lumabas ng airport at sumakay sa Limousine pabalik sa mansion. Hating-gabi na kami nakarating sa mansion, kaya deretso na kaming pumasok sa mga kuwarto namin para makapag pahinga. Bago ako matulog ay tiningnan ko muna ang mga picture sa cellphone ko. Kinikilig ako habang pinagmamasdan ang mga larawan sa loob ng airport. May kuha din ako sa mismong Lounge, kaya ito ang ipinalit ko sa profile picture ko sa social media account ko. Pagkatapos kong mapalitan ang photo ay pinatay ko na ang cellphone, para makatulog na ako. May ngiti sa aking labi na pumikit, hanggang tuluyan akong makatulog. Muli akong nagising ng maaga, para tumulong na naman sa paghahanda ng agahan. Gaya nang dati ay maaga na naman akong natapos sa aking mga trabaho, dahil wala pa rin si Sir Jay. Hindi pa rin siya umuuwi dito sa mansion. Sabi ni Nanay Maring ay nasa Penthouse daw siya. May trabaho din daw si Sir Jay dito sa Pilipinas, kaya doon siya naglalagi. Sana lang ay hindi muna siya umuqi dito sa bahay. Baka hindi ko na naman alam ang gagawin ko, kapag nakita ko siya. Baka sa susunod, wala na siyang brief na nakatayo sa harapan ko. Dios ko, baka magkaroon ako ng bungang-mata kung lagi ko siyang makikitang naka breif lang. MATULING lumipas ang dalawang linggo. Sa makalawa na rin babalik dito sa Pilipinas sina Madam Emily at Master James. Kaya naman naglilinis na ako sa kanilang kuwarto, para malinis ito at mabango na dadatnan nila. Tinanggal ko rin ang mga kurtina at pinalitan ito ng bago. Naglagay din ako ng bagong scented oil sa diffuser nila, para mabango ang loob ng kuwarto nila. Dahil natapos ko na ang kuwarto nila Madam ay isinunod ko naman ang kuwarto ni Sir Jay. Naisip kong baka muli siyang bumalik dito, kapag narito na sa mansion ang mga magulang niya. Pinalitan ko rin ang kurtina sa bintana ng kuwarto ni Sir Jay, ganon din ang kanyang kobre kama. Muli kong nilinis ang banyo niya, lalo na ang bathtub, para mabango at malinis ito pagbukas niya para gumamit ng banyo. Pinalitan ko rin ang air freshener, dahil hindi na mabango ang luma. Paubos na kasi ang laman nito, kaya wala na ring bango. Matapos kong malinisan ang banyo ay nagpahinga muna ako sandali. Tanghalian na rin, kaya nagpasya akong bumaba muna sa kusina. Kumain ako ng tanghalian at naghugas ng mga pinggan. Hindi kasi ako nakatulong sa paghahanda ng mga lulutuin kanina, dahil sa pagpapalit ko ng mga kurtina, saka ko agad lalabhan sa malaking washing machine. Matapos akong makahugas ay umuwi muna ako sa bahay namin para doon magpahinga. Naligo na rin ako para makapag palit ako ng uniform. Agad din akong bumalik sa taas para ibalik ang mga natuyong kurtina at bed sheets. Mabilis lang naman silang natuyo, dahil may dryer machine naman sina Madam. Ibinalik ko ang mga ito sa loob ng cabinet para madaling kunin kapag kailangan ko ulit magpalit. Lumabas ako at isinara ang kuwarto nila Madam Emily, pagkatapos kong maibalik ang mga tinuping kurtina at bed sheets. Sumunod ko namang pinuntahan ang kuwarto ni Sir Jay, upang ibalik sa loob nang cabinet ang mga tinupi kong kurtina at bed sheets. Matapos kong ilagay sa isang cabinet ang mga tinupi ko ay may nakita naman akong isa pang comforter sa gilid. Agad ko itong kinuha, para mapalitan ang comforter ni Sir. Lumabas ako ng walk in closet dala ang comforter, para palitan ang comforter na ginagamit ni Sir Jay. Baka kasi magreklamo siya sa akin kung hindi bagong laba ang comforter niya. Tinanggal ko ang gray na comforter at ipinalit ko ang puti na dala ko. Inayos ko itong mabuti, kagaya ng dati nitong ayos na parang ayos sa mga hotel. May mag@z!ne kasing binigay sa akin si Madam Emily at doon ako tumitingin kung paano mag ayos ng kama na parang kama sa mga hotel, kaya ngayon ay marunong na ako sa pag aayos nito. Inilabas ko ang inner blanket na manipis, para magandang tingnan. Itinupi ko ito palabas sa ibabaw ng comforter, saka ko in-fold pababa. Inunat ko rin ng husto ang mga wringkles nito, para hindi gusot tingnan. Nang matapos ako ay nakangiti akong lumayo sa kama at muling pinagmasdan ito. Ngunit nagulat ako dahil may nabangga ang likod ko na matigas na bagay. "Ay, kabayo!" gulat na sambit ko. Napalingon ako para makita kung ano ang nabangga ko. Ngunit biglang nanlaki ang mga mata ko, dahil nakita ko si Sir Jay na nakatayo sa likuran ko. Seryoso ang mukha nitong nakatitig sa akin. Tinitingnan niya ang katawan at mukha ko na para akong hinuhub@ràn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD