JOY'S POV... Nagising akong nanginginig ang aking katawan. Nanghihina, nagugutom, at nauuhaw. Halos hindi ko maigalaw ang aking katawan, dahil sa matinding sakit, parang nagkalasog lasog ang mga laman ko. Talo pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon, kaysa sa sakit na naranasan ko mula sa ginawang pambub0gb0g sa akin noon nila Tiyang Magda, at mga anak niyang maldita. Ganon pa man ay unti-unti pa rin akong bumangon, para maka alis ako dito sa kuwarto ni Sir Jay. Halos mapugto ang hininga ko, dahil sa sakit na biglang gumuhit sa aking gitna, nang pilitin kong bumangon at umupo sa kama. "U***hmm!" mahinang daing ko. Parang gustong magka hiwa-hiwalay ang mga buto sa aking katawan, dahil sa matinding pananakit nito. Lumingon ako sa likuran ko, para siguruhing hindi ako makikita't mararam

