JOY'S POV...
"Joy, gusto mo bang sumama sa amin na mag simba? Tara na, para makapahinga ka rin. Ilang buwan kana dito, pero hindi ka pa lumalabas." pagyaya sa akin ni Ate Gema.
Ewan ko ba, sa tagal kasi na hindi ako naka subok mamasyal ay parang nahihiya akong mag punta sa mga pasyalan. Pala simba naman kami noon ni Papa. Tuwing linggo ay pumupunta kami sa kabilang bayan para doon mag simba. Mas malaki at mas maganda kasi ang mha pasyalan sa kabilang bayan, kaya doon kami laging pumupunta ng Papa.
Pero nang maataki siya sa puso, at na-coma ay hindi na ako muling nakapamasyal at nagsimba.
"Kayo na lang, Ate Gema. Sanay na akong nandito lang sa bahay natin." tugon ko.
Mas panatag talaga ako dito sa loob ng bahay kapag linggo. May malaki naman kaming TV dito, manunood na lang ako ng mga palabas.
"Sumama kana sa kanila, Anak, para makapaglibang ka rin sa buhay. Huwag mong burohin ang sarili mo dito sa bahay. Napakabata mo pa, para hindi maranasan ang maging malaya. Alam mo, Anak, kung sana'y meron pa akong sapat na lakas para mamasyal sa mga lugar na hindi ko pa napintahan ay mamamasyal ako. Pero mahina na ang mga tuhod ko't madaling mahapo, matanda na talaga ako. Masaya na akong makapunta sa palengke at grocery store. Pero ikaw, napakabata mo pa, Anak. Lumabas ka't maglibang. Hindi masamang gumala ka, kapag araw ng pahinga. Basta huwag ka lang maliligaw ng landas." mahabang pahayag ni Nanay Maring.
"Oh, hayan, pati si Nanay ay gusto kang palabasin. Magbihis kana, para maka alis na tayo." pagmamadali sa akin ni Ate Denz.
"Sige na Anak, sumama kana sa kanila. Manood na rin kayo ng sine, pagkatapos niyong magsimba." sambit ni Nanay Maring. "Sandali at bibigyan ko kayo ng pang sine at pang kain niyo sa labas." sabi pa niya, saka nagmamadaling pumasok sa kanyang kuwarto.
"Huwag na Nay, may pera naman po ako." habol ko sa kanya.
"Gema, ikaw na ang humawak nito. Ibilhan niyo na lang ako ng hamburger, bago kayo umuwi. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakain." sabi ni Nanay, sabay abot sa pera.
"Huwag na yan, Nay, itago mo na lang po. May sahod naman kaming apat. Ako na lang po ang bibili ng hamburger na gusto mong kainin." sabi naman ni Ate Gema.
"Kunin mo na! Binigyan kasi ako ni Sir Nathan ng pera kagabi. Alam niyo naman iyon kapag nakita ako, kung anu-ano ang mga binibigay sa akin." saad ni Nanay.
"Ganon po ba? Ay, sige na nga, Nay. Salamat din po dahil lagi niyo kaming binabahagian kapag may binibigay sa inyo ang mga amo natin at mga anak nila. Talagang pamilya na ang turing nila sa inyo dito. Lalo na sina Sir Nathan at Ma'am Samantha. Mahal na mahal nila kayo." sambit naman ni Ate Denz.
"Kaya nga hindi ko sila maiwan-iwan, dahil sila na ang pamilya ko. Wala naman akong sariling pamilya, p@tay na rin ang mga kapatid ko sa probinsya, pero mapalad ako dahil sa pamilyang ito ako napunta." nakangiting kuwento ni Nanay.
Sumama ako sa mga kasamahan kong kasambahay, para magsimba at manuod ng sine. Buti na lang at maraming magagandang damit na bigay sa akin si Madam Emily at Ma'am Jasmine. Hindi na ako mahihiyang lumabas at makihalubilo sa mga tao, dahil may maayos na akong gamit. Ang dami ring sandals at sapatos ang ibinigay sa akin ni Ma'am Jasmine, pero matataas ang takong nila. Hindi ako sanay magsuot ng matataas.
Isang simpleng flat shoes ang sinuot ko. Bagay na bagay naman ito sa suot kong fitted na maong at tenernuhan ng pink blouse. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok at nilagay ang hairband na bigay din ni Ma'am Jasmine. Dinala ko din ang maliit na sling bag at dito ko nilagay ang suklay ko at wallet. Kahit wala naman akong bibilhin ay kailangan ko pa rin magdala ng pera.
"Joy, huwag kang magdala ng maraming pera, ha! Bago ka pa naman dito sa Maynila, baka mabudol ka sa labas ng simbahan. Marami pa namang nambubodol doon."
Napa angat ako ng tingin, dahil sa sinabi ni Nanay Maring.
"Huwag po kayong mag alala, Nay, nakatago po ang mga perang sinahod ko sa ilang buwan kong pagtatrabaho dito. Kumuha lang po ako ng allowance, para may pera akong dala." tugon ko ko kay Nanay.
"Mabuti naman anak, kung ganon. Alam mo naman sa panahon ngayon, ang daming manloloko at oportunista na nagkalat sa kung saan. Kung saan pa naman ang may maraming tao ay doon pa sila nambibiktima." wika sa akin ni Nanay.
Niyakap at hinalikan ko si Nanay Maring, dahil natutuwa ako sa ipinapakita niyang kabutihan sa akin. Para akong nagkaroon ng totoong ina, dahil sa kanya. Hindi ko man naranasan na magkaroon noon ng ina, dahil maagang sumakabilang buhay si Mama. Iyong huling picture nga namin ay apat na taong gulang pa lang ako, kaya hindi ko na siya matandaan.
Hinatid kami ng driver, hanggang sa simbahan. Wala kasi kaming masakyan palabas ng subdivision. Meron naman daw nag iikot na shutle bus, pero hindi namin alam kung anong iras ito dadaan sa area namin.
"Thank you, Kuya Orly!" pasalamat namin.
"Walang anuman. Tawagan niyo ako mamaya, isang oras bago kayo umuwi, para makarating ako kaagad. Alam naman niyong ma traffic kapag pagabi na. Baka maghintay kayo sa akin nang matagal." bilin ni Kuya Orly.
"Opo, Kuya!" tugon ni Ate Jaquie.
Naglakad kami papasok sa simbahan at naghanap ng mauupuan. Hindi pa nagsisimula ang misa, kaya marami pang bakanting upuan sa loob. Pinili namin ang bandang harapan, para maganda ang view namin.
Agad akong lumuhod at taimtim na nanalangin. Para akong batang nagsusumbong sa ama, dahil sa dami kong sinabi. Pero gumaan ang aking pakiramdam, pagkatapos kong mag dasal.
Matapos ang first mass ay sumakay na kami ng jeep, papuntang Mall. Todo hawak sa akiin si Ate Gema, dahil sa pag aalalang baka mawala ako. Sa ka ignurantehan ko kasi ay kung saan-saan ako nakatingin. Pati mga nagtitinda ay gusto kong panuorin.
"Kailangan mong masanay sa buhay Maynila, Joy. Huwag kang magpahalata na kagagaling mo pa lang sa probinsya. Kung hindi mo lang kami kasama, naku! Baka nabudol kana dito. Huwag ka makipag usap sa kahit sino, lalo na kung may binibigay sayo. Huwag mong kunin, at huwag mo silang titingnan sa mata. Itulak mo agad kung haharangan ka nila. Marami nang nabiktimang tao ang mga 'yon. Kunwari, ibibigay sayo nang libre, pero pababayaran din nila pagkatapos ka nilang kuwentuhan." sabi sa akin ni Ate Gema, habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Hanggang makarating na kami sa isang Mall. Napakalaki nito at napakaganda ang loob. Kumain muna kami sa isang sikat na kainan. Lagi ko itong napapanuod sa TV, pero hindi ko pa nasubukang kumain.
Talagang nalibang ako sa maghapon naming pamamasyal sa loob ng Mall. Ibinilhan din nila ako ng cellphone, para mayroon akong sariling cellphone. Bilin daw ito ni Nanay Maring, dahil nag aalala silang baka mawala ako, at hindi nila ako matawagan dahil wala naman akong cellphone.
"Nakuha na namin ang number mo. Nilagay ko na rin dito sa contact mo ang mga cellphone number namin, para madali mo kaming matawagan kapag kailangan mo kami. Nandito na rin ang number ni Kuya Orly, pati sina Master at Madam Emily. Tap mo lang ang pangalan, tapos pindutin mo dito para makatawag ka sa amin." turo sa akin ni Ate Gema. "Pag uwi natin sa bahay, igagawa naman kita ng social media account mo, para makita mo ang mga pictures natin sa mga account namin." dagdag pa niya.
Ang dami kong natutunan sa kanilang tatlo. Lahat nang mga bilin nila ay tinatandaan ko. Hanggang makauwi na kami ay patuloy pa rin nila akong tinuturuan. Sinasabi nila sa akin ang mga lugar, para madali kong matandaan.
Pag uwi namin sa mansion ay nadatnan namin na maraming kotse ang naka parked sa harapan. Mukhang may bisita ang mga amo namin ngayon.
"Siguradong may bisita si Sir Jay, kaya maraming mamahaling sasakyan dito sa harap." saad ni Ate Denz. Siya ang naka upo sa tabi ng driver, kaya siya ang unang nakapansin ng mga sasakyan na sunod-sunod na naka parked dito sa labas.
"Baka kararating lang nila. Wala pa naman kaninang paglabas ko." sabi naman ni Kuya Orly.
"Buti naman kung ganon, Kuya. Mag isa pa naman si Nanay Maring na naiwan, baka mapagod nang husto 'yon. Kawawa naman, may edad na siya para mag asikaso ng mga bisita." saad naman ni Ate Gema.
Pagbaba namin sa tapat ng main door ay agad kaming pumasok sa loob ng mansion para dito dumaan patungo sa bahay namin sa likod. Kung dadaan kasi kami sa side at madadaanan namin ang swimming pool. Mukhang naroon ang mga bisita ni Sir Jay, at nag night swimming sila.
Habang naglalakad ako patungo sa kusina ay bigla kong nakasalubong si Sir Jay. Pumasok siya dito sa loob, mula sa sliding door palabas sa Lanai. Biglang nanlaki ang mga mata ko, dahil sa gulat ko sa kanya. Basang basa ang katawan niya at naka suot lang siya ng trunk. Kitang-kita ko ang magandang katawan niya. Litaw na litaw ang anim na pandesal sa kanyang tiyan at ang malaking umbok sa kanyang hinaharap.
Magkakasunod akong napalunok, dahil tila nanuyo ang aking lalamunan. Hindi ako makagalaw, dahil para akong namaligno sa aking kinatatayuan.
"Are you done scanning my body!?" -Jay.
Bigla akong natauhan, dahil sa baritono niyang boses na nag echo pa sa buong kabahayan. Nakaramdam ako ng init sa mukha, dahil sa hiya ko sa anak ng amo namin. Bigla akong tumakbo patungo sa kitchen, para maka uwi na sa bahay naming mga katulong.
"Dios ko! Bakit mo naman hinayaang magkasalubong kami ni Sir Jay? Hindi na tuloy v!rgin ang mga mata ko."