Nagulat ako at nagising, dahil sa malamig na tubig na biglang bumuhos sa katawan ko. Nanginginig akong bumangon, at nagtatakang tumingin sa paligid. Natigilan ako dahil sa nakita kong dalawang pares na paa sa harapan ko. Bago ako naka
galaw ay basta na lang akong sinipa sa mukha ng isang pinsan ko. Muli akong napahiga dahil sa lakas nang pagtama ng paa ni Nadine sa mukha ko. Naka suot din siya ng sapatos niyang may takong, kaya napaka sakit ng panga kong natamaan nito.
"Hoy, babaeng basura! Alam mong tanghali na pero natutulog ka pa rin dito!? Hindi mo ba alam na kailangan naming kumain ng agahan, bago pumasok sa university? Palibhasa kasi, bøbø ka, kaya hindi mo maalala ang mga trabaho mo dito sa bahay namin." galit na galit na turan sa akin ni Nadine. Kitang-kita ko ang panlilisik ng mga mata niyang naka tingin sa akin. Muli din niya akong sinipa sa iba't-ibang parte ng katawan ko, habang nagsasalita siya.
Pilit ko naman sinasalag ang paa niya, kaya hindi gaanong bumaon sa katawan ko ang takong ng suot niyang sapatos. Pero nararamdaman ko pa rin ang sakit ng pagtama nito sa katawan ko.
"Ang dapat sayo, pinipilayan! Wala ka namang sikbi dito sa bahay namin. Isa ka lang namang mabahong basura na pakalat kalat dito sa bahay namin! Wala kang kuwentang katulong! Tamad!" sigaw naman sa akin ni Laila, habang inaapak apakan ang magkabila kong paa.
Wala akong magawa, kung 'di ang tanggapin lahat ng mga masasakit na sinasabi nila sa akin. Kahit gustong gusto kong sagutin sila, pero hindi ko magawa dahil sa sakit na iniinda ko, mula sa ginagawa nilang pananakit sa akin. Gustuhin ko mang lumaban, pero wala nang natitirang lakas ang katawan ko, dahil hindi pa ako kumakain mula kahapon. Pagod na pagod na ako sa lahat ng pagpapahirap nilang mag iina sa akin.
"Mamãt@y kana lang sana! Wala naman kaming pakinabang sayo!" nag e-echo sa lakas na sigaw ni Nadine sa akin. Muli pa niya akong sinipa, bago siya umalis dito sa likod bahay, at nagdadabog na pumasok sa kusina.
"Kahit umiyak ka ng umiyak dyan at lumuha ka pa ng dugo, hinding hindi ka makakatakas sa amin. Dahil hangga't nabubuhay ka ay gagawin naming empy*rno ang buhay mo. Pero alam mo ba kung ano ang nakakainis sa lahat? Yung mukha kana ngang basura dahil sa ayos mo, sunog ang balat sa init ng araw at mabaho, dahil hindi kana nakakapag linis ng katawan. Pero ang mukha mo; p*t@ng !n@! Gustung-gusto kong sirain ang mukha mo, Joy! Nasusuklam ako sa mukha mo!" nanggagalaiting sambit ni Laila. Hinila pa niya ang isang kaing camoteng baging at itinumba sa tapat ko, kaya nabuhos sa akin ang isang kaing camote at nagkalat ito sa lupa.
Iniwan ako ng mga pinsan ko dito sa likod ng bahay. Nanghihina ako, at halos hindi na makagalaw, dahil sa sakit ng buong katawan ko. Naka higa lang ako dito sa lupa at patuloy na umiyak.
Awang awa ako sa sarili ko, pero wala naman akong magawa. Wala naman akong ibang mapuntahan. Wala akong ibang kaanak dito sa lugar namin. Tanging si T'yang Magda lang ang kilala kong tiyahin. Ang mga kaanak ko sa side ni Mama ay hindi ko kilala. Hindi naman kasi naikuwento noon ni Papa ang tungkol sa pamilya ni Mama, kaya hindi ko sila mahanap ngayon kung nasaan sila.
Hindi ko alam kong hanggang kailan ko titiisin ang lahat ng pang aapi sa akin ng t'yahin ko't mga pinsan. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Dios ko, tulungan mo ako. Bigyan mo po ako ng sapat na lakas, para tiisin ang lahat ng paghihirap na ito."
"Joy! Joy!... Gumising ka, Joy..."
Muli akong nagmulat ng aking mga mata, dahil sa narinig kong tinig ng isang babae. Iminulat ko ang aking mga mata, para makita ko ang babaeng tumatawag sa aking pangalan. Malabo ang nakikita ko, kaya ilang beses pa akong napa kurap, bago ko nakilala ang babaeng tumatawag sa akin.
"T'yang Caring?" nagtatakang sambit ko. Nagtataka din ako kung bakit narito sa likod ng bahay namin si T'yang Caring. Kapitbahay namin siya, pero hindi sila nag uusap ni T'yang Magda.
"Dios ko! Anong ginawa nila sayo? Hayop talaga ang mag iinang 'yan! Mga demonyo silang lahat. Paano nila nagagawa sayo ang lahat ng ito, samantalang sila ang sampid sa bahay na ito. Sayo ang bahay at lupang ito, pero ikaw pa ang inaapi nila. Ang kakapal talaga ng pagmumukha ng bruhang Magda na iyan. Demonyo!" umiiyak na sabi ni T'yang Caring.
"T'yang Caring, ano po'ng ginagawa n'yo dito? Baka makita po kayo ni T'yang Magda, at pagbintangan na naman kayong nagnanakaw dito." may pag aalalang sambit ko kay T'yang Caring. Bumangon na rin ako, kahit masakit ang ulo ko at nahihilo dahil sa ginawa sa akin ng magkapatid na maldita.
"Anak, umalis kana dito, joy, maawa ka naman sa sarili mo. Huwag mo nang hintayin na map@t@y ka ng mag iinang demonyong iyon. Hindi matutuwa ang ama mo, kapag hindi mo iniwan ang bahay na ito; ang lugar na ito. Hindi siya matatahimik sa kanyang kinaroroonan, dahil alam niyang naghihirap ka dito. Makinig ka sa akin, Joy, ito lang ang kaya kong gawin para matulungan kang makalayo sa empy*rnong bahay na ito. Sumama ka sa akin at dadalhin kita sa kapatid ko sa kabilang bayan. Naghahanap siya ng mga aplekanti para dalhin sa Maynila. Nagtatrabaho siya sa isang agency doon. Pakiki usapan ko siyang ihanap ka ng mabuting pamilya na magiging amo mo. Ito lang ang tanging paraan, para mailayo kita sa bruhang Magda na 'yon. Para makatulog na rin ako ng mahimbing sa gabi, dahil alam kong hindi kana masasaktan ng mga iina." umiiyak na saad sa akin ni T'yang Caring. Niyakap din niya ako, kahit nakikita niyang napaka dumi ko at mabaho, dahil hindi pa ako nakakaligo at nagpapalit ng damit. Suot ko pa rin ang damit kong nagpunta sa bukid kahapon.
"Pero wala po akong pera, T'yang, paano ako makakarating sa Maynila?" tanong ko kay T'yang Caring. Muli na naman akong umiyak, dahil gustuhin ko man umalis, pero wala naman akong perang pamasahe para makalayo sa lugar na ito.
"Ako na ang bahala sayo, Joy. Kunin mo na ang mga mahahalagang papeles, ID, o kahit anong mahalang bagay na itinatago mo, dahil magagamit mo iyon sa pag apply ng trabaho sa Maynila. Bilisan mo, bago bumalik ang bruhang tiyahin mo." saad sa akin ni T'yang Caring.
Alam kong kinakabahan din siya, dahil siguradong pati siya ay hindi sasantuhin ni T'yang Magda, kapag nakita siya dito sa likod bahay.
Sandali akong nag isip, dahil hindi pa rin ako handa na iwan ang bahay namin ng Papa ko. Narito sa bahay na ito ang lahat ng magagandang alaala naming pamilya. Parang hinihiwa ang puso ko, dahil sa isiping lilisanin ko na ang tahanan kung saan ako lumaki at nagkaisip. Magkakasunod na pumatak ang luha ko, dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Joy! Kumilos kana, baka bumalik na dito si Magda." muling sambit ni T'yang Caring. Hinila na rin niya ako at ipinatayo, para makapasok ako sa loob ng bahay.
Doon pa lang ako tuluyang pumayag na sumama sa kanya. Pumasok ako sa kusina at kinuha ang mga mahahalagang gamit na itinatago ko sa ilalim ng lumang papag na higaan ko. Nakalagay ito sa isang lumang bag, kaya binuhat ko na lang ito. Kinuha ko rin ang mga larawan namin nila Papa at Mama at inilagay sa loob ng bag ko.
"Tayo na! Sa bahay kana maligo at magbihis. Bibigyan na lang kita ng mga damit na puwede mong isuot." saad ni T'yang Caring, saka niya ako hinila palabas ng kusina. "Bilisan mo, Joy, baka dumating si Magda...." dagdag pa niya. Alam kong natatakot si T'yang Caring, dahil kilala na niya kung gaano kasama ang ugali ni T'yang Magda.
Ilang beses na rin silang nag aaway na dalawa, dahil lamang sa maliit na bagay. Kagaya noong nakaraang buwan. Birthday ng anak ni T'yang Caring, kaya nagkaroon sila ng party sa harap ng bahay nila. Marami silang bisita at mga handa. May mga nag video-K din. Pero itong tiyahin ko at mga anak niyang baliw ay bigla na lang nilang inaway ang mga tao sa kabilang bahay, dahil naiingayan daw sila sa video-K at tawanan ng mga bisita. Sinabuyan pa ng tubig ni Laila ang mga bisita, kaya sila pinatawag sa barangay.
"Bilisan mo, Joy, lumusot kana sa butas na iyan at pumasok sa loob ng kusina ko. Papasok na ang sasakyan ni Magda." sabi ni T'yang Caring.
Para akong aatakihin sa puso, dahil sa takot ko na mahuli ako ni T'yang Magda. Sigurado akong pap@t@yin na niya ako sa pagkakataong ito, kapag nakita niya akong tumatakas sa kanya.
Itinapon ko sa loob ng bakuran ni T'yang Caring ang hawak kong bag at mabilis na gumapang sa awang ng bakod na dinaanan ni T'yang Caring kanina para puntahan ako sa likod ng bahay namin.
"Bilis! Pumasok ka kaagad sa loob ng kusina at magtago sa loob." pabulong na sabi ni T'yang Caring. Tinulak na rin niya ako, para mabilis akong makalusot sa maliit na butas.