"Alam ko, kasalanan ko ang lahat, Dad, kaya siya umalis sa bahay namin. I know na nasasaktan siya everytime I told her na hindi siya ang babaeng gusto kong makasama sa habang-buhay. Ang sama-sama ko sa kanya! Kaya kung nagawa niya akong iwan, deseved ko 'yon! Nahihiya kasi ako sa mga nakakakilala sa akin, Dad! Nahihiya akong malaman nila that I'm married with someone like Joy. Alam ng lahat kung ano ang taste ko sa babae. Hindi ako pumapatol sa isang babaeng walang class, hindi sexy at higit sa lahat ayaw ko sa hindi natin ka-level. Kung maibabalik ko lang ang panahon, Dad, sana hindi ko 'yon ginawa sa kanya. Sana kahit kaunti, pinakitaan ko siya ng maganda, minahal, inalagaan, at hindi ikinahiya sa mga tao." umiiyak na sambit ni Jay. Bawat katagang binitiwan nito ay puno ng pagsisisi. K

