"Nag aaway ba kayong mag-asawa, ha, Jay? Ano 'yong narinig kong malakas na boses mo at malakas na pagsara ng pinto?" pagsita ni Aling Maring kay Jay, nang pumasok ito sa kusina. "Hindi po, Nay, sinabihan ko lang po siya na pumasok na sa kuwarto niya at magpahinga. Nakita ko kasing nakatayo sa may railings, natakot ako baka mahulog." tugon ni Jay, saka nagbukas ng fridge at kinuha ang isang galon na Low Fat Milk. "Hindi mo tinanong, baka nagugutom na 'yon. Kailangan pa niyang uminom ng gamot. Hindi puweding hindi n'ya tapusin ang pag inom ng antibiotic. Kailangang buong isang linggo 'yon." saad ni Aling Maring. "Paki handa na lang po ninyo ang pagkain ni Joy, dadalhin ko na lang sa kuwarto niya, para maka kain siya at maka inom ng gamot." pagpi-presinta ni Jay. "Oh, s'ya, sandali at m

