Chapter 8

1957 Words
I still can't believe na makakaramdam ako ng ganitong kasiyahan dahil lang sa isang estranghero. I was so happy that night. Hindi namin kilala ang isat-isa, pero umabot kami ng dalawang oras sa pagtambay. Kung hindi pa ako tinawagan ni Inay para makauwi ay hindi ko pa sana gustong lisanin ang lugar. Subalit lumalalim na ang gabi kaya minabuti ko na lamang din na umuwi. Iyon ang tamang gawin. Lex... his name is Lex. Iyon lang ang alam ko sa kaniya, but he already invaded my mind. Isang beses lang kaming nagkasama, pero pakiramdam ko ay ang laki na ng ambag niya sa buhay ko. Sobrang nakakapanibago, but it feels so good. "Anak, kumusta naman ang tulog mo?" Kasalukuyan kaming kumakain sa hapag kasama ko sina Inay at Itay ngayon ng tanungin ako ni Inay. Nilalagyan niya ako ng pagkain sa plato matapos siyang lagyan ni Itay. Malaki ang ngiti ko. Maganda ang naging tulog ko, maging ang gising ko. "Maayos naman po, masarap matulog dahil malamig at malambot ang kama. Ang sarap pa sa pakiramdam ng makapal na kumot. Maging yung pabango ng kwarto ay malaki ang naging ambag upang makatulog ako ng maayos." totoo ang aking sagot, hindi ko na lang idinagdag ang patungkol kay Lex dahil baka uriratin pa ako ni Inay. Ayokong pag-usapan siya dahil bukod sa pangalan niya at sa way ng pananalita niya ay wala na akong ibang alam sa kaniya. "Mukhang maganda ang gising mo ah?" si Itay iyon. Tumango ako habang engganyo sa kinakain. I can't tell them what really happened. Baka pagalitan nila ako o pagbawalan. Sabihin na mabilis akong magtiwala at maloloko. Ayoko ng komplikasyon, baka hindi pa nila ako payagan na maglakad mag-isa kapag nagkataon. Dumating si Tita bago mag tanghalian. Dala niya ang mga damit na aming susuotin dahil dadalhin niya daw kami sa National Museum. Actually, it's for me. Dahil nakapunta naman na doon ang magulang ko ay mas priority daw nilang ilibot ako dito. "Kaya ako pumayag na pumunta dito ay para maranasan mo ang makapunta sa Maynila. Ikaw ang iniisip namin ng Ama mo. Ang kasiyahan mo ang prioridad namin." that what's my mother said. Kaya naman masayang masaya ako. Kaysarap pagmasdan ng mga establishimento sa lugar na ito. Kahit na traffic at maingay sa daan, nabubusog pa din ang aking mga mata. Saglit lamang ay nakarating na kami sa paroroonan. Libre lang naman palang pumasok dito, tahimik pa at malinis ang lugar. "Wow, totoo po ba ang lahat ng ito?" Manghang-mangha ang buong pagkatao ko sa nakikita. Ngayon lamang ako nakapunta dito, at libang na libang ako. Natatawa na lamang sa likod ko sina Inay, Itay at Tita Sally. Kapwa sila nag-uusap habang panay ang luha ko ng video sa mga nakikita ko. Ipapakita ko ito kay Doray pag-uwi namin. Nakatitiyak akong mamamangha siya at maiinggit. Kapag yumaman kami, aayain ko sya ulit dito. Lilibutin namin ang buong museum. Isa.. dalawa.. tatlo... Tatlong araw na ang nakalilipas matapos ang una't huling pagkikita namin ni Lex. Kahit nagpupunta ako sa convenience store ay hindi ko na siya muling nakita pa. Nakakalungkot, dahil para bang hinahanap-hanap na siya ng sistema ko. Nahihibang na yata ako. Dalawang araw na lang at uuwi na kami muli sa probinsya. Ngayon pa lamang ay nalulungkot na ako. Ibang kasiyahan ang naranasan ko dito. Alam kong hahanap-hanapin ko ang lugar na ito. Kaya ipinapangako ko sa sarili ko na magsusumikap ako para muli akong makabalik dito. Hindi na ako umaasang hahayaan ako ni Inay na tumira dito kay Tita Sally. Tanggap ko na. Kaya pagsusumikapan ko na lang. Sa request ni Lola ay tuluyan na kaming dito nanatili sa bahay niya. Pinadala dito ang lahat ng gamit namin kaya hindi na kami nakabalik pa sa bahay ni Tita Sally. Ayos lang naman sa kaniya dahil kasama naman namin sya tuwing araw. "Mamimiss ko kayo! Kailan kaya ulit kayo makakabisita?" umiiyak si Manang Berta habang yakap si Inay. Maging ako ay nalulungkot. Ito na ang araw na uuwi kami. Nakahanda na ang lahat, kahapon pa lang ay nakapag paalam na kami kay Lola. Maging ito ay against sa desisyon ni Inay subalit wala ding nagawa kundi tanggapin na lamang. Ika niya'y always welcome kami sa bahay na ito. Kahit kailan daw namin gustuhing pumunta ay welcome na welcome kami. "Maraming salamat sa pag-aasikaso sa amin, Nay Berta. Malaki ang utang na loob ko sa iyo. Mamimiss ko kayo. Hindi ko pa alam kung kailan ang muli nating pagkikita. Mag-iingat po kayo." Ipinalibot ko ang tingin sa huling pagkakataon. This is it. We will go back to where we belong. To where we lived for twenty years. Balik na naman kami sa normal na buhay, but one this is for sure. Malaki na ang pinagbago nito. Hindi na kasing simple ng dati. Tita Sally decided not to come with us. She's very sad dahil maiiwan na naman daw siya ng nag-iisa niyang kapatid. Hindi naman siya galit, ayaw niya lang ihatid kami dahil baka daw hindi sya makapag pigil at pilitin na naman niya kaming bumalik sa Maynila. Naiintindihan naman namin, kaya pinahatid niya kami sa driver niya sakay ng isang puting van. Kung nung magpunta kami dito ay tig isang bag lang ang dala namin, this time ay tatlong maleta na ang bitbit. Bigay iyon ni Tita Sally. Pinamili niya kami ng sandamakmak na gamit. Lahat ng essentials and everything. Mas marami lang ang akin dahil panay ang tanggi ni Inay. But when it comes to me, hinahayaan nila ang tiyahin ko. Buong biyahe ay umiiyak ako. Kanina pa ako inaalo ng magulang ko at tinatanong ng nararamdaman ko. "Ayos lang po ako, malungkot lang." iyon ang palagi kong sinasabi. They knew that I wanted to live in Manila. Na ayoko na ng simpleng buhay na mayroon kami. Lalo ngayon na naranasan ko na ang marangyang pamumuhay kahit sa sandaling panahon lamang, parang naninibago na agad ako. Mamimiss kong kumain ng steak araw-araw. Puro karne. Yung lettuce salad. Yung mga sweets every meal. Yung mamahaling juice at wine. Mamimiss ko ang mga iyon. Dahil for sure, balik na naman kami sa gulay everyday na tanim ni Itay. Hindi ako ungrateful. Sadyang gusto ko lang talagang magbago ang pamumuhay namin. Gusto ko lang ng marangya at masayang pamumuhay. Kasalanan bang pangarapin iyon? Umuulan ng makarating kami ng Nueva Ecija. Isang oras pa para makaakyat sa mabundok na lugar namin. Marahan lamang ang pagmamaneho ng driver, malamig sa loob kaya balot na balot kami ng jacket. Sa kada bagsak ng ulan at pagtulo nito sa salamin ay kasabay nito ang lungkot sa aking puso. Mukhang nakikidalamhati ang panahon sa nararamdaman ko. Alam niyang malungkot ako, kaya sinasabuyan niya kami ng luha niya. Maaaring masabi ng iba na ang babaw naman ng emosyon ko. Pawang babalik lang naman sa lugar na aking pinagmulan nagkakaganito ako? Subalit alam kong maiintindihan ako ng ibang tao na nakararanas ng emosyon ko. Dahil hindi makakaakyat ang sasakyan sa mismong bahay namin ay hanggang sa ibaba lang kami naibaba. Pero nakasunod ang dalawa, ang isang bodyguard at driver dahil dala nila ang mga gamit namin. Muntik na akong sumubsob sa likuran ni Itay dahil bigla silang huminto ni Inay. May hawak akong payong at gayon din ang magulang ko, pero kahit medyo malayo ay kitang kita naman namin ang nasa may kalayuan pang bahay. I gasped. What? Totoo ba ito? Kinusot ko ang mata dahil baka namamalikmata lamang ako. Subalit hindi, totoo ito. Totoo ang nakikita ko ngayon lang. "Anong..." hindi na naituloy ni Inay ang sinasabi dahil biglang kumidlat ng malakas, kasunod nito ang dumadagundong na kulog. "Tara na sa loob! Baka tamaan pa tayo ng kidlat!" sigaw ni Itay at hinila na kami. Inabot ng lalaking naka itim ang susi kay Itay. May kasama siyang dalawang lalaking nakaitim din. I remember them, sila yung bodyguard ni Tita Sally na kasama noon dito nung unang punta niya. "Pinapasabi po ni Madam na pakitawagan daw po siya kapag nakarating na kayo." anang lalaki ng makapasok kami ng bahay. Tuluyan na akong napaiyak habang nililibot ang tingin sa buong bahay. Ang dating tagpi-tagping bahay namin ay wala na. Napalitan na ito ng bahay na gawa sa bato. Malaki at matibay. Tiles and sahig, hindi na bato-bato. Ang dingding ay makinis at kulay puti. May ceiling at wall fan. Mayroong pictures na nakasabit sa dingding, it was the same pictures of our family pero nadagdagan. Nandito na yung kasama namin ang family ni Inay. May portrait pa ng magkapatid nung bata pa sila. Umiiyak si Inay habang tinitignan ang mga ito. Mayroon na ding malaking TV sa sala as well as sofa and lamesita. Malaki na din ang kusina at may dibisyon na ito sa sala. May apat na upuan sa may di kalakihang hapag kainan. Malinis ang paligid, may bagong mga kasangkapan at appliances. Tinakbo ko ang cr. Pumalakpak ako ng makakita ng shower na may heater. may tiles na din sa buong cr at exhaust fan. Nag e-echo ang boses dito. May gripo pa at bagong timba at tabo. May sabitan ng mga tuwalya at mga lalagyan ng sabon at shampoo. Pero mas natuwa ako ng makita ang bagong toilet bowl! May flush at bidet! Bigla ay naisip ko ang mga kwarto namin. Agad akong lumabas ng cr at tinakbo ang kwarto ko na katabi ng cr. May sariling pintuan na ito, bago at may lock. Napaluhod ako sa sobrang kasiyahan. Malaki ang kama, tiles din ang sahig. May new curtains bukod pa sa binili namin noon. May aircon, may sariling tv at vanity table. Closet at study bedside table. I gasped again upon seeing the diffuser na gusto kong bilhin! Shocks! How? How did it happened? Paano? We were only gone for seven days. Paanong natapos ito ng ganoon kabilis? Paglabas ko ng room ay ka-video call na ni Inay si Tita. Pinapagalitan niya ito dahil ayaw niyang gumastos si Tita para sa amin subalit halata namang thankful ito at mangiyak ngiyak pa nga. "Hindi mo naman kailangang gawin ito. Sobrang laking gastos nito." umaatungal si Inay habang hawak ang phone. Tumatawa lang si Tita na nagpupunas din ng luha. "Don't worry, I used your money. Ayaw mong tanggapin ang cards, nandoon sa bank accounts mo ang pera mo buy you refused to accept it. Kaya might as well gamitin na lang sa bahay mo. At least, hindi ka makakahindi. Tapos na eh. Medyo malaki ang gastos dahil sa dami ng tao na gumawa niyan para lang matapos for seven days! 24/7 ang work nila!" Kaya naman pala. Gusto ko sanang maawa sa mga ito dahil nahirapan at napuyat sila but then, they worked for it and they earned money for it so okay lang din naman. Nagkuwentuhan pa ang magkapatid. Ako naman ay sinalansan ko na ang mga damit ko sa closet. Mayroon ng mga damit doon, ngayon ay napaka dami na tuloy. Agad akong naligo at nagpalit ng ternong pajama. I opened my messenger matapos kong mahiga. I received a message from Tita Sally kaya in-open ko na agad. Tita Sally: You have a WiFi na hija, ah? Ito ang password. Kasunod ng message niya ay ang sinasabing password nga. Agad akong kumonekta kaya tuwang tuwa ako dahil kahit bumabagyo na ay malakas ito. Hindi ko alam kung paano ito nagawa ni Tita sa ganoon kabilis na paraan. Pero malaki ang pagpapasalamat ko sa kaniya.Iba talaga ang nagagawa ng pera. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, I called Doray and luckily, she's able to answer it. And that's when I told her what happened in my life habang nasa Manila. I was the happiest. I maybe sad for leaving Manila too soon, but I'm happy to have memories that I will surely treasure forever. RHEASEA💜
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD