Akala ko malinaw na sa mga kaibigan ko na seryoso ako sa karelasyon ko. Pero hindi pa rin pala. "Ate Sands, birthday ni Mommy ko tomorrow so you are invited too ah? It's just a simple celebration sa bahay and invited kayong mga kaibigan ko." katabi ko si Lexi sa upuan kaya kahit bumulong lang siya habang nagdidiscuss ang prof ay narinig ko sya. Natuwa naman ako kasi ito ang unang pagkakataon na nainvite ako ng friend ko dito. Naging malapit na ang loob ko sa kay Lexi kaya siyempre gusto ko rin makilala ang family niya. "Palagi kitang kinukwento sa kanila especially kay Mommy, alam nila na idol kita pagdating sa academic at paggawa ng lesson plan. Kaya excited silang makilala ka na in person." she giggled kaya nahawa ako. Agad kaming nilingon ng prof kaya umasta kaming walang ginagawang

