Chapter 3

1960 Words
For twenty years, ang tanging alam ko lang sa magulang ko ay mahihirap lamang sila. My mother ran away from her parents dahil ipapakasal dapat sya nito sa isang mayamang tao subalit in love sya kay Itay na simpleng mamamayan lamang kaya mas pinili niyang sumama dito at sa kanilang pagmamahalan, nabuo ako. That's why I am shocked to know everything. My mother.... her sister is here. Gusto niyang sumama ang aking Inay sa kaniya upang makita ang kanilang Ina. She's on her death bed and wishes to see her other daughter who ran away years ago. They don't know about me, about us. Ngayon lang nila natagpuan. But what got me is that.. my mother's family... is rich. They are rich and living in Manila. While my mother chose a remote area, with food and money scarcity. Why did she choose the simple life when in fact, she's wealthy? Isa pa.... I didn't know. Nakunan si Inay noon? Bakit hindi ko alam? Ibig sabihin, may kapatid dapat ako? Na mas matanda sa akin? Bakit hindi nila sinabi sa akin? "I will come back tomorrow, Sabelita. Hindi ako titigil hanggat hindi kita napapapayag." she turned to me, gave me a genuine smile. "Kaya pala ang gaan ng loob ko sayo kanina, pamangkin pala kita." mangiyak-ngiyak niyang turan. Napako ako sa kinatatayuan. Should I hug her? Or what? "I'm Sally Hernandez, I'm your mother's older sister. Kaming dalawa lang ang magkapatid and we live in Manila. As much as I wanted to know you more, kailangan ko ng umalis. But I promise to come back, I wanted to know about you. And what life you had." And then she turned to my parents. "Sally, Alberto, mauuna na ako. I'll come back again, I promise that." And just like that, she's gone. Sumadsad paupo si Inay sa maliit at kahoy naming upuan. Nakaalalay sa kaniya si Itay na puno ng pag-aalala. Ako naman ay parang robot na tumabi sa kanila. My mother's crying. "Inay.... totoo po ba?" hindi pa din ako makapaniwala. For twenty years, akala ko, wala na kaming pamilya sa mundo. My father, patay na daw ang mga magulang niya kaya hindi ko na ito nakilala. Wala siyang kapatid. I don't know if that's true too. Dahil itong kay Inay ay hindi pala totoo, what more pa ang kay Itay? Ginanap ni Inay ang kamay ko. Umiiyak siya, at maging ako ay nahahawa na. "Anak... patawarin mo kami kung nagsinungaling kami sa'yo." Iyon pa lamang ang sinabi niya ay naiyak na ako. It means, it's true. She's really my Tita Sally. That kind woman, that I adore just earlier, is my relative. She's my mother's older sister. "Pero... bakit?" hindi ko alam kung ano ang totoong kwento nila. Kung ano ang nangyari sa kanila before I came to their lives. Gusto kong malaman. Nagkatinginan sila Inay at Itay. Tumango ang huli kaya bumuntong hininga si Inay. Hawak pa din niya ang kamay ko ng magsimula siyang magkwento. "I was 18 years old when I found out that my mother is forcing me to marry and old man, para sa pera. Para sa business. Gusto niyang pakasalanan ko ang hindi ko kilala. But that time, kami na ng Itay mo. Magkasintahan na kami. Kaya hindi ako pumayag. Ang gusto ko lamang maging asawa ay ang iyong ama. Wala ng iba. Hindi ang kung sinong mayaman na hindi ko kilala." pag-uumpisa ni Inay. Her hands are trembling, probably because of her thinking of what happened in the past. "Palagi kaming nag-aaway ni Ate Sally dahil maging sya ay ayaw magpakasal. Sya kasi ang paborito ng Mommy kaya pinapaboran siya. Si Mommy... kinukulong niya ako sa kwarto para hindi ko ki-tain si Alberto." pumiyok si Inay. Hinahagod naman ni Itay ang likod niya. "Pinagbubuhatan niya ako ng kamay. Sinasabihan ng masasamang salita. Sinalo ko lahat iyon. Pero hindi ko kinaya. Kaya tumakas ako. Tinulungan ako ng isang katulong namin, hanggang sa sumama ako sa iyong Itay. We didn't know that I was p-pregnant." mas nag bagsakan ang kaniyang mga luha. Patuloy din sa pag bagsak ang sa akin. Maging si Itay ay ganoon din. "Nakunan ako dahil sa sobrang stressed. Kasi pinapahunting kami ni Mommy. Palipat-lipat kami ng lugar. Walang permanenteng bahay. Hindi mayaman ang iyong ama, kaya todo kayod kami. Kaya lang, palagi kaming tinatanggal sa trabaho kalaunan. Iyon ay dahil kay Mommy. Gusto niyang bumagsak ako, para bumalik ako sa kanila. But I didn't. Kaya lang, nakunan ako. Hindi ko alam na buntis na ako noon. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nilang pagtalikod sa akin. They left me at the hospital." nabahirap ng galit ang hitsura ni Inay. Her face darkened in anger. "Pumunta sila sa ospital. I thought just to help me... But I was wrong. Ano pa bang aasahan ko? Kinutiya ako ng sarili kong Ina. Pinagtawanan. She told me I deserve what happened. Na hindi ako karapatdapat maging ina. Na tama lang daw na namatay ang anak namin dahil wala akong k-kwentang anak." Naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala. Ganoon kasama ang ugali ng Lola ko? Bakit? Ganoon ba ang mayayaman? "She never loved me. Ni minsan, hindi sya natuwa sa akin. Si Ate Sally lamang ang paborito niya. Ang tanging nakikita niya. And me? I'm the black sheep. I'm the disappointment. Ganoon ang tingin niya sa akin. Na papansinin niya lang kapag may pakinabang. Kaya ng tinabla ko sya, naging tae na lang ako sa kaniya." ramdam ba ramdam ko ang galit ni Inay. Mahigpit na din ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Si Ate Sally, mabait sya sa akin. Kahit na nagkakatampuhan kami, mabait sya. Iniintindi niya ako. Sya ang tumulong para makalabas ako ng ospital. Siya ang nagbayad ng bills. Binigyan niya ako ng pera para makapag simula. She told me to hide. To hide far away from them para hindi na ako pakealaman ni Mommy. Kaya napadpad kami dito sa bundok. Kung saan tahimik at walang nakakakilala sa amin. Dito namin sinimulan ang pamilya natin, Anak. Sana ay maintindihan mo kung bakit mas pinili naming mamuhay ng simple kaysa ang humingi ng tulong sa pamilya ko." Tuluyan ng humagulgol ang Inay. Niyakap ko na agad siya. "Naiintindihan ko po. Tahan na, Inay. Huwag ka ng umiyak. She can't hurt you anymore. I will protect you. Hindi namin hahayaan na saktan ka ulit at pagsalitaan ng pamilya mo. We are family. We are enough. Hayaan nyo, magtatrabaho akong mabuti. Para umunlad tayo, yayaman din tayo." That night, I promised to myself that I will do everything just to give my parents a happy life. Gusto kong yumaman para maiangat sila sa hirap. Mas magpupursige ako. Mag iipon ako para maipag patuloy ko ang pag-aaral ko. Dalawang taon na lang naman, magiging isang guro na ako. Maiaahon ko sila. Kaunting tiis na lang. But when morning came, the first thing I saw is my Tita. Nasa sala sya at nagkakape. My mother, nasa gilid lang at nakatingin sa kapatid. Si Itay, nasa pintuan. Nasa labas ang bodyguard ni Tita. "Good morning, hija!" masayang bati ni Tita Sally. Tinignan ko lamang sya. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. She's my auntie, my mother's sister. Kadugo ko sya, basically. And she seems really nice. "Bumati ka sa Tita Sally mo, Sandra." anang Inay kaya lumapit ako sa aking Tita. Nag mano ako dito pero hinila niya ako para makipag beso at yakapin. Napaupo ako sa tabi niya. Amoy na amoy ko ang mabango at mamahalin niyang pabango. Amot mayaman. "Oh gosh! I still can't believe na may pamangkin ako! Look at you! So young and fresh! You're twenty years old na right?" nanggigilid ang luha ng Tita ko habang hinihimas ang pisngi ko. Tumango ako, still speechless. "Hindi ka daw nakapag tapos ng pag-aaral mo? Gusto mong maging guro? Pag-aaralin kita. Akong bahala sa'yo." She kissed both of my cheeks. Panay din ang yakap niya. Nilingon ko si Inay, pasimple siyang nagpupunas ng luha. Anong nangyari? Natulog lang kami, ayos na sila? Akala ko ba galit kami sa kanila? Bakit biglang ganito na? "Gusto mo bang sumama sa Manila? If you want, pwedi ka sa amin. Tatlo lamang kaming nakatira doon, ang asawa ko, ang Tito Alex mo at ang pinsan mong si Sandro. Malaki ang bahay, maraming extra rooms." "Sally.." banta ni Inay. "Pinsan? S-sandro? May pinsan po ako?" takang tanong ko. Tumango si Tita Sally, nagpunas ng luha niya. She's smiling so dearly. "Yes, I have a son. He is already twenty seven years old. Kakauwi niya lang galing Texas last year, kasama na namin sya sa bahay. Matutuwa iyon kapag nakita ka. He loves socializing. Mahirap lang intindihin ang English niya dahil southern accent ang kinagisnan niya. But mabait iyong pinsan mo. Nag-iisang anak ko lang sya." she said. Sandro? My cousin's name is Sandro? And I'm Sandra! Ang cute naman, parehas pa kami ng palayaw. Magkaiba lang ang dulong letra. "Sally, nag-usap na tayo diba?" anang Inay. Bumuntong hininga si Tita Sally at ngumiti na lamang. Binitawan niya na ako. Pero umakbay naman siya sa akin. "Gusto kitang makilala. Wala ka namang trabaho ngayon diba? Ang sabi ng Inay mo ay day off mo daw. Pwedi ba tayong mag chikahan?" ngayon ay parang bata na itong nangungulit. Tinignan ko si Inay, tumango lang ito kaya tumango din ako. Kung nagkaayos na sila, susuportahan ko ang Inay sa desisyon niya. Mukhang wala naman siyang balak na lumuwas ng Maynila eh. Baka nakikipag closure lang sya kay Tita? "So, tell me about yourself. What do you like? What are your favourites? What are your dreams? Everything! Tell your Tita Sally. I'm here to listen! We have all day!" masayang turan niya. Nakakahawa naman ang energy ng Tita Sally ko, maging ako tuloy ay napapangiti. "Ang buong pangalan ko po ay Alessandria Munlaon. Sandra for short. Uhm, paborito ko pong ulam ay ang lechong manok. Minsan lang ako nakakakain nito pero paborito ko iyon. Sa kulay naman po, mga light colors. Mahilig po akong maglakad at umakyat ng mga puno. Paborito ko po ang mga gulay pero pangarap ko din magsawa sa karne. Gusto ko pong maging guro, magtuturo ako sa mga bata. Isa po sa mga pangarap ko ay ang malibot ang buong mundo. At siyempre, ang maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. Gusto kong yumaman para naman hindi na magtrabaho ang parents ko. Gusto ko ay chill na lang sila at wala ng pagod na maranasan pa. Tumatanda na sila at dapat lang na magpahinga na lang sa bahay." My parents, they are now fourty five and fourty six. Hindi na sila bumabata. Pero subsob pa din sa trabaho. Tita Sally sobbed. "Napaka bait mong bata. Maganda at tama ang pagpapalaki sa'yo ng magulang mo. I'm very proud, hija. Napaka ganda mo din, daig mo pa ang may lahing español." she said. Ngumiti lamang ako. Iyon nga ang palaging nasasabi ng tao, para daw akong may lahi. Naging morena ako dahil din sa pagbibilad sa araw, hindi kasi ako mahilig mag payong. Mahilig akong maglakad sa kalsada at umakyat ng bundok at puno. Kaya naman umiitim ako palagi. Pero bagay naman sa akin. "May boyfriend ka na ba, Sandra?" Natawa ako. "Wala nga pong nagkaka-crush sa akin, paano ako magkakaboypren? Minsang may nanligaw sa akin, ng malaman ang buhay ko, ayun, iniwanan din ako. Wala po akong boyfriend, Tita Sally. Walang nagkakamali." nakangisi kong sagot, but the truth is, it still hurts me. Knowing na walang nagkakagusto sa akin, ang sakit nun. Ganoon na ba ako kapangit at kawalang kwenta para ayawan ng mga lalaki? Even the nerds from the university, they don't even see me. Is it because of I'm ugly? Or because I'm poor? Life is really unfair. RHEASEA💜
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD