Mula ng madiskubre kong magpinsan kami ng boyfriend ko ay palagi ng may takot sa aking dibdib. Takot na baka mahuli kami at magkasakitan. Pero iba ang takot ko sa mga oras na ito. Nanlalamig ako at hindi makapagsalita ng maayos. "Sandra anak? You're using this?" I froze when Tita Sally showed me what's in her hand. Iwinawagayway niya iyon habang nasa pintuan ng bathroom dito sa loob ng kwarto ko. Nakailang lunok muna ako bago tumango. "A-ahm, hindi po kasi r-regular ang mens ko kaya k-kailangan ng pills." Tumango tango naman sya. Satisfied with my answer. "Nakapag pa-check up ka na ba ulit? Do you want me to come with you?" Agad akong umiling. "Ah hindi na po kailangan, regular naman po ang check ups ko at wala naman pong problema. May hormonal imbalance lang po." Lord, patawad

