Noong musmos pa lamang ako, isa sa mga pangarap ko ay ang ma-inlove ako. Hinahangaan ko kasi sina Inay at Itay dahil sa walang kamatayang pagmamahalan nila. Their unconditional love is top tier. They are passionate, sweet, caring, not just loyal but also faithful, they treat each other with respect and value every flaws that they have. Tanggap nila ang isat-isa kung sino man sila. Namulatan ko ang mapagmahal na pamilya. Hindi kami nagkakaroon ng awayan di tulad ng ibang pamilya sa aming barangay, walang selosan sa kanilang mag-asawa dahil malaki ang tiwala nila at mas nananaig ang pagmamahalan sa kanilang dalawa. Kailanman ay hindi sila nag-away sa harapan ko. Lahat din ng gusto ni Inay ay sinusunod ni Itay. Sobrang perpekto nila sa mga mata ko. Kaya iyon din ang inexpect ko sa aking pa

