Ngayon naiintindihan ko na talaga ang sinasabi ng ibang tao na totoo daw talagang nakakapag bigay ng saya sa tao ang pera.
Yung sinasabi nilang "Money can't buy happiness" ? Ulol hindi totoo 'yun. Wag kayong maniniwala doon. Dahil sa panahon ngayon, sa pera na umiikot ang buhay ng tao. Lahat, pera-pera na lang.
At naniniwala ako doon. Dahil danas ko ang ligayang natatamo ng dahil sa pera. Lumaki ako sa hirap. Na kapos sa araw-araw kaya palaging nagtitipid. Kaya ngayon na nakakakain kami ng masasarap at pang mayaman, nakakalibot sa lugar na ngayon ko lang napupuntahan, masasabi ko talagang money well spent. Pera talaga ang magpapasaya sa akin!
"Did you enjoyed your first day here?"
Yumapos si Tita sa akin pagkauwi namin sa bahay niya. Inilibot niya kami sa mall, especially me, ipinag shopping again and again na para bang wala siyang kasawaan. At ngayon nga ay nakauwi na, busog na ang mata busog pa ang tiyan. Thanks to Tita Sally and Tito Alex.
"Yes po, Tita. Thank you so much!" I excitedly answered. She smiled, very genuinely.
"Masaya din ako at kasama ko na kayo. Now, take a rest dahil bukas ay pupunta na tayo sa Lola mo. It's gonna be a loooong day." she purposely said it so long as if she knew it will happen. Natawa na lang ako at tumango.
Hinatid na kami sa assigned rooms namin. I have my own, beside the biggest room sa second floor. Yung pinaka malaki daw ay sa pinsan ko na mukhang wala pa din hanggang ngayon. Sa tabi ng room ko ay kila Inay at Itay.
"Goodnight, Tita Sally." yumakap ako sa kaniya bilang pamamaalam. Ganoon din sya pagkatapos ay umalis na.
Hinarap ko naman sina Inay at Itay na nanatili sa kwartong tutulugan ko pansamantala. Niyakap ko agad silang dalawa.
"Maraming salamat po, Inay, Itay! Sobrang saya ko po at pumayag kayo. Alam ko po at naiintindihan ko na hindi madali sa inyo ang gawin ito pero ginawa nyo pa din po to make me happy. I'm very thankful po sa inyo. I really appreciate it. I love you both po."
Nag group hug kami. My mother caress my back. She's teary eyed.
"Ang kasiyahan mo ang hangad namin, anak. Basta't masaya ka, masaya na din kami. Mahal na mahal ka din namin." naiiyak na ani Inay.
"We love you, Sandra. Enjoy this whole week. You deserve it." Itay said. Tumango ako sa kanila at mas niyakap sila ng mahigpit.
That night.... was the first time I've ever slept so good. It was so good that I forgot to lock the door. That good that I woke up at eight AM sa halip na gaya ng nakasanayan ko. Ang pakiramdam ng malamig na aircon ay sobrang sarap at kumportable. Ang lambot ng comforter at ng kama ang dahilan kung bakit ako hindi agad nagising. Idagdag pa napaka bango na kwarto.
I reminded myself na makabili ng diffuser kapag nakasweldo ako. Dahil talagang nakakatulong ito sa pagtulog. Bagay ito sa parents ko.
Pagkalabas ko ng banyong sobrang laki at ganda ay nagkagulatan pa kami ni Inay.
"Magandang umaga, Inay. Ang sarap po ng tulog ko!" masayang turan ko sa kaniya. Ngumiti naman siya.
"Mabuti naman kung ganoon. Oh sya, bumaba ka muna at kumain. Nagluto kami ng umagahan, gusto ka sana naming hintayin kaso nagutom na kami kaya sasamahan na lang kita sa kusina."
Sabay na kami ni Inay na bumaba at pumunta sa kusina. Sya ang naghain para sa akin, ako naman ay nakangiti habang tinitignan ang mga pagkain sa hapag.
Bacon, pancake, hotdogs, longganisa, eggs, tocino, nilagang gulay at fried rice ang nandito. Sagana sa buhay! Ang sarap tuloy ng kain ko.
"Nga pala, maligo ka na at gumayak pagkatapos mong magpababa ng kinain. Ngayon tayo pupunta sa Lola mo, kami ng Itay mo ay nakagayak na. Ang iyong Tita ay gumagayak na din. Pumasok naman sa kumpanya ang Tito Alex mo."
Ngayon ko lang napansin na nakabihis na nga pala si Inay ng pang alis kung hindi niya pa sinabi. Simpleng T-shirt at pants lang pero napaka ganda niya. May lahi kaya sila Inay? Nakakainggit ang ganda niya sa totoo lang.
Mabilis ang ginawa kong pag ligo pero hindi ko tinipid ang sarili ko. Ang daming mamahaling sabon at pang lagay sa ulo ang nandoon, idagdag pa ang shower na pweding malamig at mainit. Hindi na kailangang magpainit ng tubig sa takure kapag malamig ang tubig. Dito, isang pindutan na lang ay ayos na.
Sobrang nakakatuwa. Kinikilig ako habang naliligo. At ng mahawakan ko nga ang phone ko ay ibinida ko na agad ito kay Doray sa pamamagitan ng text messages. Kagaya kagabi, inggit na inggit na naman ito. Tuwang tuwa din at the same time.
Sana kapag yumaman kami ay maranasan namin ito ni Doray ng magkasama. Ang saya-saya kasi.
"Relax, Sabelita. Hindi ka na niya masasaktan, she's like a skeleton. Hindi na nakakalakad, hirap na din magsalita. She's barely breathing. Stop being tensed."
Kahit na kanina pa sinasabihan ni Tita Sally si Inay na kumalma ay hindi nito magawa. Nasa biyahe na kami at siguro ay nasa thirty minutes na din. Si Tita ay natatawa lang dahil parang natatae ang parents ko sa kinauupuan nila ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi? Eh kikitain nila ang Mommy ni Inay na tutol sa kanilang pagmamahalan almost 28 years ago na. The forgiveness is long overdue.
"Manahimik ka na lang, Sally. Wag mo akong lalong pakabahin." anang Inay na tinawanan lang ng Tita Sally ko.
"Relax, malapit na tayo sa dati nating bahay."
True to what my Tita said, nakarating agad kami sa isang lumang bahay pero mukhang alagang alaga. Malinis ito at mabulaklak. Vintage style pero maganda. Hindi ko maiwasang mamangha. Dito kasi lumaki sina Inay at Tita Sally. Dito sila nagkasama. Dito tumira at nagkamuwang. For 18 years, Inay lived here.
Kumusta kaya ang pamumuhay nila dito? Do they feel nostalgia? Are there flashbacks? Ano kaya ang nararamdaman ni Inay at finally, matapos ang mahabang taon ay nakabalik na siyang muli dito?
Sinalubong agad kami ng mga kasambahay pagdating namin sa harapan. Nakahilera sila na para bang royal family kami na kanilang paglilingkuran.
"Magandang araw po, Madam Sally..." ang medyo batang kasambahay ang bumati. Tinignan niya kami na tila ba kinikilala kung sino ang kasama ng anak ng amo nila.
"Where's Manang Berta?" maotoridad na tanong ni Tita.
"Nandito na ako, Sally." bigla ay lumabas ang isang matandang babae. Puti na ang buhok nito at kulubot na ang balat. Naka pambahay lang ito na blouse at mahabang palda na maluwag. Nanlaki ang mga mata nito ng makita si Inay.
"Diyos ko po! Ikaw ba iyan, Sabelita?" humawak ito sa dibdib niya. Nag bagsakan agad ang kaniyang mga luha.
"Nay Berta!" malakas na sigaw ni Inay. Nagulat na lang ako at nagyakapan na ang dalawa.
Ito siguro ang nag-alaga noon kay Inay nung bata pa sya? According to her kasi, yung kasambahay nila ang naging nanay-nanayan niya dahil nga hindi niya naituring na ina ang Lola ko.
"Diyos ko pong bata ka. Bakit ngayon ka lang? Alalang alala kami sayo. Panginoon ko, salamat po!"
Nakita ko si Tita na nagpunas ng luha. Nagyayakapan pa din ang dalawa kaya yumakap ako sa braso ni Itay.
"They are closed. She helped your mother para makatakas sa bahay na ito. Siya ang tumulong kaya nagkasama kami ng Inay mo, Anak." bulong ni Itay kaya napangiti din ako.
"Kaya naman po pala mukhang miss na miss nila ang isat-isa." sagot ko pabulong.
Gumawi ang tingin sa amin ni Manang Berta. Nanlaki ang mga mata nito. Nagpalitan ang tingin niya sa akin at kay Itay.
"Ito ba si Alberto? Teka... anak nyo ba ito?"
Lumapit sa amin si Manang kaya nag bless ako dito. Nakipag kamay din si Itay sa kaniya.
"Opo, sila po ang pamilya ko. Ang asawa kong so Alberto at ang anak kong si Sandra." pagpapakilala sa amin ni Inay.
Mas natuwa si Manang. Tinipon pa nito ang mga kasambahay maging ang mga guards.
"Makinig kayong lahat, sila ang mga anak ni Madam Sollana. Sila ay mga amo din natin. Kaya respetuhin nyo sila bilang mga amo natin. Ibigay lahat ng kailangan nila at hanggat maaari, ang pinaka magandang serbisyo natin ang matanggap nila. Naiintindihan ba?" maotoridad din ang pananalita nito.
Siguro siya ang leader ng mga kasambahay. Ang pinaka mataas. Kaya sya ang may power of command dito. Agad naman nagsisunod ang mga kasambahay.
Iginiya na kami papasok sa loob ng bahay. Malaki ito at maganda sa loob. May centralized aircon pa sa sala. Napaka bongga naman nito!
"Alam ba ni Madam Sollana na darating kayo?" Nilapitan ni Manang si Tita Sally at tinanong. Umiling ang aking tiyahin.
"It's my surprise for her coming birthday sana. Pero inagahan ko na. But I've talked to her nurses, pwedi daw siyang makausap ngayon dahil ayos naman ang lagay niya." sagot ni Tiya.
"Oh sya, uminom muna kayo ng juice at magmiryenda."
"Hindi na Manang. Didiretso na kami kay Mommy, busog pa kami."
Kumain kaya kami ng umagahan bago pumunta dito. Hindi pa nga nagtatanghali eh.
"Ganun ba, oh sige ipagluluto ko na lang kayo ng tanghalian. Iluluto ko ang mga paborito nyo!" galak na galak si Manang.
"Sige Manang, do that." sagot ni Tita kaya umalis agad ang matanda.
Iginiya na kami ni Tita papunta sa second floor ng kabahayan. Dalawa lang ang palapag dito pero napaka angas ng designs ng bahay. Napaka dami ding litrato ang nakapaskil sa pader. Maraming medalya at plaques sa gilid, may divider for that. Hindi ko nga lang nagawang tignan ang mga ito dahil umakyat na kami. Mamaya na lang siguro.
"This used to be my room." itinuro ni Tita ang gitnang bahagi ng palapag. Tatlo ang malalaking pinto dito, ang gitna ang kaniya. Sunod niyang itinuro ang nasa kanan. "And that one is your Mom's." tumingin sya sa akin.
Dumiretso kami sa double doors, hindi ko alam pero kinakabahan ako. Maybe dahil din sa aura na nararamdaman ko sa mga kasama ko.
"And this is our mother's chamber." kumatok si Tita. Ilang sandali lang ay bumukas iyon at bumungad ang isang ginang, nakasuot ng pang nurse na uniform. Ngumiti ito kay Tita.
"Pasok kayo, she's awake and watching the television." ang tinutukoy niya siguro ay si Lola.
Pagpasok sa kwarto ay narinig ko ang singhap ni Inay. Napahawak ito sa braso ni Itay na inaalalayan siya. Huminto din kami sa bungad ng pintuan. Si Tita lang nag dumiretso doon. Dala ng curiosity, sinilip ko ang tinitignan niya. Pero maging ako ay suminghap ng makita ko ito.
There's a big bed at the center of the big room. And at the center of the bed, is a very thin old woman with a very light skin, she's really like a skeleton, her eyes are big but still, she looks strict and mataray. My mother isn't lying about that.
Gayunpaman, she might looks so good on her prime era.
"Mommy? It's me, Sally." malambing ang boses ni Tita ng tumabi siya sa kaniyang Ina.
Agad sumaya ang mukha nito. Tila kinikilala ang dumating, hinawakan agad ni Tita ang kamay ng matanda. Gentle and with love and care.
"I have a surprise for you. But, don't panic okay? Bawal kang ma-stress. Bawal umiyak o sobrang masaya ha?"
Tumango si Lola. "W-what is it...?" mahina ang boses niya at walang lakas.
"Your other daughter is here. I found her, Mommy. Finally, we found her. She's here. And she's with her family. May isa ka pang apo, babae. And she's really pretty like us."
Nanlalaki ang mga mata ng matanda ng lingunin kami. Matapos suminghap ay nagbagsakan ang luha sa kaniyang mga mata. Nanginig siya at hindi makapagsalita. Humagulgol siya habang nakatingin kay Inay. Ang bunso niyang anak.
Slowly, my mother walk towards her. She carefully sits down beside her and from there... they are now complete again.
All of us in the room is now crying.
RHEASEA💜