Hindi ko naman kilala kung sino ang kapatid ni Tito Alex pero nalulungkot ako sa pagkamatay niya. Kinailangan naming umuwi agad dahil nag break down na si Tita Sally. Hindi ko alam ang ganap sa pamilya nila but looking at my aunt, mukhang close naman sila? Tita Sally needs to fly outside the Philippines para puntahan ang asawa't anak niya. Tinulungan ko siyang mag-empake kasama ni Isay, ang isang kasambahay na limang taon lamang ang tanda sa akin. Bago lamang sya, sa katunayan ay dumating sya nung first day ko dito. Sya kasi ang naka assign bilang personal maid ko. Hindi ko naman kailangan kaya lang ay makulit si Tita Sally. Hindi ako sasama kay Tita. Bukod kasi sa hindi naman ako kailangan dahil hindi naman ako belong doon, inaasikaso pa lamang namin ang passport ko at matatagalan pa a

