Stormie's Pov "A-aerom? Have you eaten?" I ask while smiling ear to ear as he arrived earlier this night. Walang kibong hinubad n'ya ang coat at niluwagan ang kanyang kurbata bago n'ya ko nilampasan na para bang hindi n'ya ko nakita kahit na ilang hakbang lang naman ang layo ko sakanya. Iniiwasan n'ya nga 'ko. Halos isang linggo na kaming hindi nakapag-uusap ni Aerom, hindi rin kami nagkakasabay kumain hindi katulad ng dati hindi ko alam kung tama bang gamitin ang term na 'to pero bigla s'yang nanlamig sa 'kin. Bagsak balikat akong naglakad papunta sa kusina at iniligpit na lang ang mga pagkaing ako pa mismo ang nagluto ng maging ako ay nawalan na ng ganang kumain. Marahan kong binuksan ang pinto ng isang hindi pamilyar na kwarto at sunod-sunod na napamura ng makita sa

