Stormie's Pov "Iba rin talaga ang gagong 'to." Natatawang sambit ni Luhence bago sinisip ang isang hiwa ng lime, parang pati tuloy ako'y natatakam na. Lahat ay masaya sa ibinalita namin ni Aerom lalo na ang kanyang Mommy na nagmamadaling umuwi mula Paris pabalik ng Pilipinas ng maibalita sakanya ni Aerom ang tungkol sa pagbubuntis ko. "Damn it! Cringe-worthy moment." Pang-aalaska muli ni Luhence kay Aerom na mabilis lumipad ang middle finger sa ere matapos n'yang maisubo sa 'kin ang isang piraso ng ubos. Ito ata ang pinaglilihian ko at halos isang kilo nito ang nauubos ko sa isang araw. "Luhence let them be, ikaw rin, tumatanda kana bakit hindi ka pa magsettle down? Stop treating girls as if they are your toys na hahanapin mo lang kung gusto mong magpalipas ng oras." Sit

