Stormie's Pov "Mrs. Dela Vin parating na daw po si Mr. Dela Vin sa loob ng kinse minuto" nakangiting sambit ni Brooklyn nang pumasok s'ya sa kwarto namin at naabutan akong nag-aayos ng sarili. "Sige, salamat." I murmur without even looking at her for I am busy choosing a shade of lipstick that will match my outfit for today. Saglit ko s'yang nilingon ng hindi pa rin s'ya kumilos at nanatiling nakatayo sa 'king likod sa pag-aakalang baka may kailangan pa s'ya sa 'kin. "May kailangan ka pa?" Nakangiti at kalmadong tanong ko habang nilalagyan ng tint ang aking labi. "Wala naman po, ang ganda n'yo lang bagay na bagay po kayo ni Aerom." Sandali akong natigil sa 'king ginagawa dahil sa narinig. Flutter ba 'ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ko mula sa isang tao na

