Chapter 5

1466 Words
Stormie's Pov   "Anong schedule ko ngayong araw?" Kaswal na tanong ko kay Sancho nang makasakay na kami sa kotse paalis ng paliparan. The car engine roar into life as he look at me and smile. "Wala kang committment sa kahit na anong magazine, wala ka ring gig kaya naman mayroon tayong isang buong araw para magdate" nakangiting sinabi n'ya sa 'kin at marahang hinawakan ang aking kamay.   "Do you want me to turn the radio on?" Tanong ni Sancho habang ang buong atensyon n'ya ay nasa kalsada pa rin. "Oo, ako na lang ang magbubukas" ani ko at pinindot na ang car stereo.   "The sought after bachelor and the youngest billionaire and The Empire Corporation's current Chief Executive Officer Aerom Dominic Dela Vin is said to be engage with a famous model that is identity is still a mystery to the public" yan kaagad ang bumungad sa 'min nang mabuksan ko ang radyo.   Tingnan mo nga naman ang lalaking 'yon parang kagabi lang tinatanong n'ya pa 'ko kung gusto ko s'yang pakasalan eh may fiancee naman na pala s'ya. Hindi kaya si Daphne ang papakasalan n'ya? Sikat na model rin naman kasi ang babaeng 'yon at mukhang s'ya rin ang mga tipong babae ni Aerom.   "Hey!" I snap back into reality as I heard Sancho's baritone voice. "Okay ka lang? Bigla ka na lang natulala ang lalim naman ata ng iniisip mo" may bahid ng pag-aalang sinabi n'ya. "Wala naman, hindi lang kasi ako sanay na walang ginagawa alam mo naman na nasanay na 'kong kaliwa't kanan ang trabaho ko" mariin akong napapikit at paulit-ulit na nagmura sa 'king utak dahil sa pagsisinungaling ko na naman sakanya.   "El Bistro" nakangiti at pabulong na sinabi ko nang huminto kami sa tapat ng paboritong kong pancake house.   "Iniispoil mo talaga ako baka mamaya maging balyena na 'ko nito sige ka" may pananakot na sinabi ko atsaka isinubo ang kapiraso ng pancake na kanina ko pa sinimulang kainin. "Edi maging balyena ka para wala na talagang magtatangkang umagaw sa 'yo mula sa 'kin" mabilis at awtomatik na umirap ang mga mata ko dahil sa pambobola n'ya. As if naman kasi talagang tataba ako agad.   Masaya at naging payapa ang pag-aagahan naming dalawa hanggang sa bumukas ang pinto ng restaurant. Ang masayang ekspresyon sa mukha ni Sancho ay napalitan ng pagkadisgusto na kaagad kong ipinagtaka kaya naman lumingon rin ako sa direksyong seryoso n'yang tinitingnan na para bang pinapatay n'ya sa kanyang isip ang kung sino mang tinitingnan n'yang 'yon.   "Aerom Dela Vin" ani ko sa 'king isip nang makita s'yang naglalakad palapit sa mesang kinauupuan namin ni Sancho. Nanadya ba s'ya? O nag-aassume lang ako? Ah ewan!   "Sanch, wag mo na lang pansinin baka coincidence lang" I murmur and forced a smile eventhough starts feeling uneasiness at Aerom's presence.   "Fine" ani n'ya atsaka sumimsim ng kape ng bigla na lamang nag-ring ang telepono n'ya. "Hindi mo ba sasagutin?" Nagtatakang tanong ko nang tingnan n'ya lang ang caller's id at kapag kwan ay pinatay ang kanyang telepono.   "Si Ate lang naman 'yon makakapaghintay pa naman 'yon. Magtetext na lang ako sakanya mamaya pagkatapos nating kumain" ani n'ya at nagpatuloy na ulit kami sa pagkain hanggang sa maya-maya lang ay telepono ko naman ang tumunog. "Tumatawag sa 'kin si Ate Kathy" nagtatakang sinabi ko na talaga sa kanya at ipinakita ang screen ng cellphone kung saan nakarehistro ang incoming call ng kanyang nakatatandang kapatid.   "Wag mo na sagutin, kahit kailan talaga istorbo si Ate" sambit n'ya at ieend call na sana ngunit maagap ko 'yong nailayo sakanya at ako na ang mismong sumagot ng tawag.   "Hello...Opo nandito s'ya, sige po ibibigay ko po sakanya 'yong telepono" mabilis kong ibinigay kay Sancho ang telepono na ikinakunot ng kanyang noo.  "Hello, Ate Kath, ano bang problema? What?! Sige uuwi kaagad ako ng Cebu"  natatarantang sinabi n'ya atsaka frustrated na tiningnan ako.   "B-bakit? Anong problema?" Maagap na tanong ko sakanya habang marahang pinipisil ang kamay n'ya. "Nakakulong si Daddy sa Cebu ngayon dahil sa mga drugs na nakumpiska sa bahay, Storm, hindi 'yon magagawa ni Dad sigurado akong sinet up lang s'ya ng mg katungali n'ya sa Politika" pagbibigay eksplinasyon n'ya.   Kilala ko si Tito Gilbert, he is a nice man kaya katulad ni Sancho naniniwala akong set up lang ang lahat.   "Sige na Sancho, umuwi kana sa Cebu kailangan ka nila ron" nag-aalalang tiningnan n'ya ko na para bang isa akong bata at nangangamba s'yang iwan ako mag-isa. "I'll be fine, mauna kana sa condo susunod ako ron" I mutter and smile weakly at him.   Tinanguan n'ya lamang ako at kapag kwan ay hinalikan sa 'king pisnge bago s'ya umalis ng restaurant. Ano ba talagang nangyayari? Hindi naman siguro connected 'yong nangyayari sa pamilya ni Sancho sa galit sa 'kin ni Daphne hindi ba? Dahil kung s'ya rin ang may kagagawan non mapapatay ko na talaga s'ya.   Nabali lang ang malalim na pag-iisip ko kaugnay sa nangyayari sa pamilya ni Sancho ng maupo sa upuang inalis n'ya ang seryosong si Aerom. Hindi naman na siguro ako magmumukhang assuming kapag sinabi kong mukha ngang sinusundan n'ya talaga ako.   "Aerom, ano namang ginagawa mo dito? Hindi ba bastos ang basta-bastang umupo ka na lang sa mesa ng may mesa at iwan ang babaeng kadate mo para tumabi sa ibang babae. Ibang klase ka rin talaga, ano bang gusto mong mangyari?" Dire-diretsong tanong ko sakanya habang nakatingin ako sa berde n'yang mata.   Damn that eyes, it's captivating and it feels like I've been hypnotized by it.   "Gusto ko lang malaman kung ano na ang sagot mo sa tanong ko sa 'yo kagabi." Kalmado at kaswal na pagkakasabi n'ya na para bang nakikipag-usap lang s'ya sa kapwa n'ya negosyante para iclose ang isang deal sa pagitan nilang dalawa.   "Hindi ka pa rin ba tapos  d'yan? Bakit ba pinagdidiskitahan n'yo pa rin ako ni Daphne? Was it your way of taking revenge? Hindi nga ako kabit ng daddy n'ya!" inis na inis na turan ko at pakiramdam ko may mga usok ng lumalabas ng ilong ko dahil sa labis na pag-init ng ulo ko kasabay ng pagkulo ng dugo ko.   "Pardon? Walang kinalaman 'to kay Daphne. It's just you, me and my proposal." Seryoso at walang bahid ng pagbibirong sambit n'ya at walang pakundangan kinuha n'ya ang baso na naglalaman ng oranfe juice na iniinom ko kanina pa.   "You really should cut this Crap, Aerom, kung kailangan mo talaga ng mapapangasawa bakit kaya hindi mo iannounce sa national tv?" Saglit akong natigilan ng maalala ang narinig ko sa radyo kanina habang papunta kami ni Sancho dito.   "Pwede ba hindi mo 'ko maloloko usap-usapan ng engage ka na kaya bakit ba ako pa ang pinepeste mo? Bakit hindi 'yong fiancee mo ang pag-aksayahan mo ng oras mo" I hissed and was about to stand up but he stopped my by grabing the hem of my shirt so I was left with no choice but to sit down it seems like he has a plan of ripping my shirt if I wouldn't do his bidding.   "Yon nga ang ginagawa ko, pinag-aaksayahan ka ng oras, ang fiancee ko. If you have really heard the news the you already know that they're claiming that my fiancee is a famous model" shock is an understament to describe what I have been feeling right now as realization hit me like how Zeus hit the Titan with his sword.   Pucha talaga.   "Nakuhaan tayo ng picture sa bar noong gabing nagkita tayo at lasing ka, nakuhaan rin tayo ng picture kagabi. Now everyone assume's that you are my fiancee even my mother thinks that you are" he mutter.   Napaawang na lang ang mga labi ko dahil hindi ko alam ang dapat na sasabibin hanggang sa maalala ko si Sancho. "May boyfriend na 'ko" may diing sinabi ko para maisampal sa mukha n'yang hindi talaga ako papayag sa gusto n'ya. Hindi ito 'yong tipo ng kasal na pinangarap ko.   "Yong boyfriend mong anak ng drug lord at corrupt?" tanong n'ya nagpapantig sa 'king tenga. "Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Sancho at pamilya n'ya wala kang alam tungkol sa kanila" I said in between gritted but a smirk crept on his lips as he took a glimpse on his wrist watch.   "Whatever you say, Stormie, just in case na magbago ang isip mo ang proposal ko ay valid ng hanggang isang linggo" konting-konti na lang talaga at masasapak ko na s'ya napaka-kapal ng mukha n'ya. He really is a certified narcissist.   But right befor he leave my table he mutter something that made all my anger go vanish in an istant. "Just so you know, I don't think you're a kind of woman who would settle herself to become someone's mistress just so that you could have money. Hindi ako naniniwalang kabit ka ni Arthur"          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD