Zander's POV Muntik ko ng malimutan na dummy account lang pala ang gamit ko, at baka ma-blocked pa ko kung sakali kaya ng makita ko na na-seen niya ang message ko ay agad ako'ng nag-type ng kunwaring chain message. Fùck! Bahala na, atleast para maisip niya na nagjo-joke lang itong si Tita Elena. Kita ko naman na nag-care emoji siya sa message, pero hindi nag-type ng reply. 'Yon atleast ligtas hindi na rin ako nag-attempt pa na magpadala sa kanya ng message hanggang sa nakita ko na nag-offline na siya, at natulog na din ako. Kinabukasan ay tinext ko na si Gelai. Gelai: Naku Sir baka pwede huwag niyo na po ako'ng i-text natatakot po ako kay Ate, napagalitan na nga ako po ako pagdating namin kahapon lalo siguro kapag nalaman niyang ibinigay ko sa inyo ang number ko, baka mawalan po ako

