“Where are you?” Tanong ko kaagad rito nang malamang wala ito sa opisina. “I am here in my office, my love. Why?” Kampante nitong sagot sa akin. As if hindi ko alam na nagsisinungaling siya. “Kung nandito ka sa opisina mo, o di nasaan pala ako?” Yes, nandito ako sa opisina niya para sana ipakita rito ang mga portfolio ng mga pinagpipilian naming wedding coordinator. We are already planning our wedding because my father gets mad every time I go out with Damien. Bad trip pa rin ito kay Damien dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito namamanhikan. “Nandiyan ka sa office ko?” Mukhang nagulat ito sa sinabi kong nandito ako sa opisina niya. “Yes, and you are lying to me. Nasaan ka ba? Wala din si Marcel dito. Ang sabi naman ng receptionist mo ay nag-lunch out kayong dalawa ng assistant m

