When I cried, the little boy saw it and started to cry, too. Kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok sa kabahayan para aluin ito. And there I saw Tita Dannie. She looks elegant but something’s new to her. She has this approachable aura now. Hindi kagaya noon na tingin palang ay nakaka-intimidate na. Nagulat ito na makita ako. Pero mas naalarma ito na makita si Damon na umiiyak kanina. Agad nitong kinuha ang bata sa akin pero ayaw umalis ni Damon sa akin. He just keeps on hugging me and then fell asleep. “Iwa died giving birth to Damon.” Hindi ko alam kung paanong nangyari na nasa kwarto na ako ng bata. Nakatabi ako rito habang nakaunan siya sa aking balikat. Napakabilis ng pangyayari kanina. “So, he wasn’t able to see his mother? That must be hard for the kid.” Tumingin ako sa batang p

