Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak sa bisig ni Rose. Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa sa dibdib dahil alam kong hindi ako nag-iisa. Alam kong nandito si Rose at hindi niya ako iiwan. Hindi ko na rin ipinaalam pa sa mga magulang ko ang nagyari. Ayaw ko munang mag-open up sa kanila sa at sa tingin ko naman ay hindi na mahalaga pang malaman nila iyon. Every time na tumatawag sila at kinukumusta si Miguel sa akin ay tanging pilit na ngiti at “okay lang” ang sinasabi ko. Gusto kong magalit kay Miguel dahil pakiramdam ko ay niloko niya 'ko. Gusto kong magalit kay Ria dahil nagwagi siya at siya rin ang dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganito ngayon. Pakiramdam ko pinagkaisahan ako. Nananahimik ako sa isang tabi tapos bigla silang lalapit sa akin para guluhin ang buhay ko. “Gra

