Chapter 5

2548 Words
Hindi ko talaga lubos na maunawaan kung bakit gano’n na lamang ang epekto niya sa akin. Nagwawala ang sistema ko at nagkakanda-buhol-buhol ang mga bituka ko sa tiyan sa tuwing nariyan siya malapit sa akin. Everything that I feel seems so new and unfamiliar. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang umalis na si Miguel at ang kaniyang mga magulang. Naging matahimik ako lamang ako at inabala lalo ang sarili sa kung anu-anong bagay. Medyo naiinis nga rin ako kay Rose dahil sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin ay binibigyan ako nito ng nakakalokong ngisi na may kasama pang paniningkit ng mata. “Hindi ka maganda. Kung inaakala mo na magugustuhan ka no'ng lalaking iyon, mag isip ka,” bulong niya sa aking tainga at ka-muntikan na akong mapatalon sa gulat. Bigla na lang sumusulpot ang gaga! “Ano bang sinasabi mo? Nananahimik ako rito, eh.” Napailing na lamang ako at pabagsak na ibinalik sa lagayan ang hawak kong chips. Walang pasabi ko siyang tinalikuran at bumalik sa counter ngunit sinundan na naman niya ako. “Kung ako nga na ubod ng ganda ay hindi pumasa sa taste niya. Ikaw pa kaya?” Hinarap ko siya, bahagyang itinagilid ang ulo habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Akala ba niya'y siya lang ang marunong mang-asar sa aming dalawa? My lips lift up for a sarcastic smile as I arch my brows. “Ikaw na nga ang nagsabi, lahat ng pinapatulan ni Miguel ay maganda kaya kung hindi ka niya pinatulan. . .” I trailed off, “alam mo na." Dagli siyang natigilan at napaawang ang labi dahil sa sinabi ko. “Aba't—" Akmang sasakalin n’ya 'ko ngunit sa kamalas-malasan n’ya ay biglang dumating si Nanay. Natawa ako kung paano siya magpalit ng emosyon. Mula sa pagiging galit na tigre ay nagmistulan na itong maamong tupa lalo na nang tawagin siya ni Nanay para utusan. Nang mapadaan ito sa harapan ko ay nakangiti niyang inilapit ang bibig nito sa aking tainga. “Alam mo tangina ka,” mahina ngunit puno ng gigil na aniya. Palihim na lamang akong natatawa. Hanggang sa makauwi kami sa bahay ay hindi niya ako pinapansin sa at sa tuwing magtatama naman ang mga mata namin ay agad niya akong iniirapan o di kaya'y sinisimangutan. I'm just wondering. . . kagaya ng ibang babae mayroon din kaya siyang gusto kay Miguel? O kahit posibilidad man lamang na magustuhan niya ang lalaki? I tilted my head. But that's impossible! Ang alam ko'y magkaibigan lang talaga sila at isa pa ay may naririnig akong balita na mayroon siyang boyfriend from Civil Engineering—well, hindi ko alam kung sila pa ba at wala naman akong pakialam. Hindi rin naman siya nag-o-open up sa akin tungkol sa bagay na iyon and that's fine. Hindi naman namin kailangan malaman ang lahat tungkol sa isa't isa. Maybe, hindi pa siya handang magsabi o magkwento. Madaldal kasi ang babaeng iyan tungkol sa ibang bagay pero pagdating sa personal na buhay ay sobrang tikom ang bibig niya. Even her closest friend, Damian, ay wala rin gaanong alam tungkol sa kaniya. Sa totoo lang ay maganda si Rose. Bumagay sa kaniya ang pagiging morena n’ya, ang kulot at hanggang balikat nitong buhok ay umaayon sa hugis ng kaniyang mukha. Natural na mapupula ang pisngi at ganoon din ang kaniyang mala-hugis puso na labi. Kapag naglalakad siya sa loob ng campus ay pansin ko ang mga naiiwang titig sa kaniya ng mga kalalakihan ngunit hindi naman n’ya iyon napapansin o sadyang hindi lang talaga n’ya pinapansin. Kaya naman ay hindi na ako magtataka kung sakaling magustuhan man siya ni Miguel. Kung lalaki nga lang ako ay tiyak na crush ko na rin siya pero pasalamat na lamang ako't hindi ako naging lalaki. Nang mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang routine namin. Magbabantay ng tindahan sa umaga hanggang hapon. Hindi rin naman siya nakatiis na hindi ako kausapin. Alam naman n’ya kasing kahit anong gawin niyang pag-iinarte riyan sa isang tabi ay hinding hindi ko rin siya susuyuin. Aba, eh, wala naman akong ginagawa sa kaniya! Siya ‘tong naunang mang-asar! Kasalanan ko bang napikon siya? Malapit na ulit kaming lumuwas ng Laguna para mag-enroll ng second semester. Sa susunod na linggo na iyon kaya puspusan ang ginawa naming pag-iipon ng pera para sa pamasahe at iba pang maaaring gastusin. Mabuti na lamang ay binibigyan kami ng sweldo ni Nanay kaya mayroon kaming naiipon. At kahit magkaiba ang schedule ng enrollment namin ni Rose ay sasabay pa rin siya sa akin sa pagluwas. Mas mauuna kasi ang enrollment ng first year kaysa sa second year. “Hindi muna tayo magtra-trabaho bukas. Nagpaalam na ako kay Tita,” ani Rose habang tutok na tutok ang mga mata sa cellphone. “At bakit naman?” taka kong tanong. “Bibisita rito ang mga tropa ko. Pinayagan naman ako ni Tita at sinabi niya na pilitin din daw kitang huwag na din munang pumasok sa trabaho para ma-enjoy mo naman ang bakasyon,” litanya niya at tinapat niya ang kamay niya sa aking bibig nang akmang magsasalita ako. “Opps! Puwede bang huwag ka na lang magreklamo, huh? Hindi naman kita pipiliting sumama sa amin ng mga kaibigan ko, basta huwag ka lang muna pumasok sa trabaho, magstay ka sa bahay at makipaglaplapan sa cellphone mo buong magdamag.” Napasimangot ako. Wala naman akong balak magreklamo! Sasabihin ko lang sana na mayroon siyang muta sa mata pero dahil pinigilan niya 'ko, edi h'wag na lang! “Pupunta rito ang mga kaibigan mo?” Ibig sabihin ba nito. . . “Yes! At ang sabi ni Miguel ay dalawang araw daw sila dito para masulit naman nila ang pagpunta nila rito.” Umangat ang kaniyang kilay. Ayan na naman ang nang-uuyam niyang ngisi sa labi. “Bakit? May problema ba? Ayaw mong makita si Miguel?” This time, ako naman ang napaangat ang kilay at bahagya pang natawa. “Nagtatanong lang ako, Rose. . ." I rolled my eyes and crossed my arms. "At saka, ano naman ngayon kung kasama si Miguel? Wala naman akong pakialam sa siraulong 'yon.” Matagal siyang tumitig sa akin na para bang binabasa ang ekspresyon ko sa mukha bago sunud-sunod na tumango. “Oo nga naman tsaka wala ka na rin namang pag asa 'don. May panibagong ka-fling na naman iyon. Iyong kaibigan namin.” Muli akong napairap. As if naman na mayroon akong pakialam? Of course! He's Miguel Xavier Chavez for Pete’s sake! A well-known playboy! Siya iyong tipo ng lalaki na kahit kailan ay hindi nababakante sa mga babae. Wala namang nakakagulat na mayroon na naman siyang panibagong girlfriend. Mas magugulat pa siguro ako kung malalaman kong wala siyang naging girlfriend sa isang buwan o di kaya ay nagseryoso siya sa pakikipagrelasyon. Hay nako! Magpapamisa talaga ako at baka isipin kong end of the world na! Kinabukasan ay tanghali na akong gumising. Kagaya nang sinabi ni Nanay ay hindi nga ako pumasok sa trabaho dahil sa mga paparating na bisita ni Rose. Wala naman akong pakialam sa mga iyon dahil hindi ko sila ka-close. Hindi rin ako komportable sa presensya nila pero ayos lang naman. Ang sabi ni Rose maloko lang daw ang mga iyon pero mababait naman. Pamilyar sila sa pangalan pero hindi sa mukha. Madalas lang kasi silang mabanggit at ma-kwento sa akin pero madalang ko silang makita kahit na sa loob ng campus. Tamad na tamad akong bumangon at ginawa ang pang-umagang ritwal ko. Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang marinig ang malalakas na tawanan nila mula sa salas namin. Nandiyan na pala sila. . . ibig sabihin nandyan rin si Miguel. “Nasaan si Bluie?” Natigilan ako nang marinig pa ang tanong niyang iyon na sinundan pa ng pang-aasar ng mga kaibigan n’ya. I took a deep breath. Pinagpatuloy ko ang pagsusuklay ng aking basang buhok. “Rose palabasin mo nga si Bluie! Mukhang iyon talaga ang ipinunta ni Migs dito, eh! Kunwari pa 'yang dadalaw sa 'yo!” natatawang saad ng isa sa mga kaibigan nila na sa tingin ko'y si Damian. Uminit ang aking pisngi sa narinig. Kusang umatras ang mga paa ko at pabagsak na umupo sa kama. Parang gusto ko na lamang ibaon ang mukha ko sa unan! Heto na naman ang malakas na pagkalabog ng dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan. Tila hinihingal ako sa bilis nito kaya napagdesisyunan kong huwag na lang munang lumabas ng kwarto hangga't hindi pa ito bumabalik sa normal. Damn, ano bang nangyayari sa 'kin? He's just Miguel! Imposible namang magustuhan ko siya dahil hindi naman kagaya niya ang mga tipo ko. It's just that. . . mas better pa nga sa kaniya si Markcus pero kahit minsan ay hindi ko naman ito naramdaman sa kaniya lalo na noong nag-confess siya sa akin. Kung hindi pa ako sinugod ni Rosemarie sa kwarto ay hindi pa ako mapipilitang lumabas ng kwarto. Nandoon silang lahat sa salas, kumakain ng tanghalian. Her friends greeted me and I returned their greetings using a polite and small smile. Hindi ko kayang ngumiti nang malawak, knowing that Miguel is just a few inches away from me. At mula nga sa peripheral vision ko ay kita ko ang mataman nitong tingin sa akin at sinusundan ang bawat kilos at galaw ko “Babe, hindi ka pa ba kakain?” Wala sa sarili akong tumingin sa babaeng lumingkis sa braso niya. She’s wearing a black tube bralette na kulang na lang ay lumuwa ang dibdib. It was paired with high waisted denim short and black sneakers. Thanika Mercedes, second year college, taking up HRM. No wonder, maganda talaga ang taste ni Miguel pagdating sa mga babae. Isa si Than sa mga pinagpapantasyahan at kinahuhumalingan na babae sa University namin. I must say na bagay silang dalawa. Peke akong umubo at umiwas ng tingin. Pumunta akong kusina at nagsimula nang magsandok ng pagkain ko. Hindi ko man lang naramdaman na may papalapit na pala sa akin dahil naka-focus ako sa target lock ko—ang shanghai. “Iyan lang ang kakainin mo?” Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Miguel na nakasilip sa aking pinggan mula sa likuran. Agad nanuot sa aking ilong ang matapang niyang pabango at ang mainit na pagdampi ng hininga nito sa aking tainga. Nanginginig ang kamay ko kaya naman humigpit ang kapit ko sa babasaging pinggan na nilalabas lang kapag may bisita. Please lang, hindi 'to pwedeng mabasag dahil mapapagalitan ako ni Nanay! “O-Oo,” I stuttered. Mabilis akong lumayo sa kaniya at nagtungo naman sa nakahaing fried chicken. Kumuha rin siya ng pinggan na ikina-kunot ng aking noo. “Hindi ka pa kumakain?” hindi ko napigilan ang magtanong. He shook his head as lips curved up for a grin. “Busog ako kanina, eh. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom,” sagot niya. Naguguluhan man, tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Matapos kong kumuha ng pagkain ay umupo na ako sa kabiserang bahagi ng dining table. Hindi ako kumibo nang maghila ito ng bakanteng upuan sa harapan ko. Akala ko'y dadalhin niya iyon sa salas kung nasaan ang mga kaibigan niya ngunit laking gulat ko nang sa mismong tapat ko pa talaga siya kumain. “Hindi ka ba roon kakain sa salas? Nandoon ang mga kaibigan mo ah,” bakas ang pagkairita sa boses ko. Ayaw ko nga kasi ng lumalapit siya sa akin at saka naroon sa salas ang ka-fling—girlfriend? Or whatever their status is. Ano na lamang ang iisipin niya kung makikita niya kaming kumakain dalawa rito? The least thing I would do is to pick a fight just for a man. Iyon ang hinding-hindi ko gagawin kahit kailan. Nag angat siya ng tingin sa akin at parang batang ngumuso. “Bakit? Ayaw mo bang kasabay ako kumain?” Nanlaki ang mga mata ko. Tatango sana ako kaso trinaydor ko ang aking sarili dahil sa sunud-sunod kong pag-iling. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya kasabay ng pag-angat ng sulok ng kaniyang labi. “Hindi naman sa gano'n. Nagtatanong lang ako,” nahihiya kong tugon. Loosen up, Bluie. Hindi mo kailangang kabahan kapag nariyan siya. Just act normal. Pretend that you're not nervous. Baka kung anong isipin niyang lalaki sa harapan mo. “Charot lang, Bluie. Ako lang ‘to. Huwag kang ma-pressure,” nakangising aniya at nag-peace sign pa. “Actually, dito talaga ako umupo para sabayan kang kumain.” Natutop ko ang aking bibig ngunit hindi na lamang nagbigay ni isang salita. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na rin naman niya ako kinulit. Na-enjoy ko ang pag-kain ng shanghai hanggang sa hindi sinasadya kong mag-angat ng tingin sa kaniya at nahuli ko itong titig na titig sa akin, ni hindi man lamang nahiyang umiwas ng tingin. “Dinadalaw ka ba rito ni Markcus?” My forehead knotted because of his question–but to answer it, I slowly shook my head, confused. “Uh hindi. . . pa.” Naalala ko tuloy iyong sinabi ng mokong na iyon na pupunta siya rito pagkauwi niya galing Korea pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpaparamdam. Siguro ay nakalimutan na niya ‘yon o di kaya'y naging Oppa na kaya nakalimutan na 'ko. Feel na feel pa naman no'n na kamukha raw niya si Chan Eun Woo. “Nanliligaw ba iyon sa'yo?” Tiningnan ko siya na may halong pagtataka. Bakit kailangan niya pang itanong ang bagay na iyon? Anong pakialam niya? “H-Hindi,” He confessed but I rejected. Hindi rin naman ako nagsisising ginawa ko iyon. We're in good terms, anyway. The man in front of me sighed in relief. “I'm just asking. Kung manligaw man sa'yo, huwag mong sagutin, huh? Hindi kayo bagay.” he stated then laughed. My forehead knotted. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako sa sinabi niya. Sino ba siya para manduhan ako sa mga bagay na dapat kong gawin at maging sa mga desisyon ko sa buhay? We're not even close. Kaibigan siya ng kaibigan ko but it doesn't mean na magkaibigan na rin kami. “At sino namang bagay sa akin?” Sinabayan ko na lang ang trip niya ngunit sana'y hindi ko na lamang ginawa dahil sa naging sagot niya. Tumigil siya sa pagtawa ngunit may naiwang kaunting ngisi sa labi. "Ako," confident niyang sagot. Sinubukan ko siyang basahin, nagbabaka-sakaling babawiin niya iyon at sasabihing biro lamang ngunit wala akong narinig. “Alam mo, kung ano man 'yang trip mo, hindi 'yan uubra sa akin. Kung nagagawa mong paikutin ang mga babae sa palad mo, edi pwes ibahin mo ako.” I sighed frustratedly and stood up. “And if I'm going to choose between you and Markcus, I'd rather choose him. He is much better, hindi kagaya mo. . . playboy.” I frankly uttered. His mouth fell open. Ilang beses niyang sinubukang bumigkas ng salita ngunit bigo. Bigla akong nakakonsensya sa sinabi ko pero wala naman akong balak bawiin ‘yon. And so I chose the safest thing to do right now, I stood up and excused myself, leaving him dumbfounded. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD