Pinilit kong alising sa isip ko ang lahat ng nangyari nitong mga nagdaang araw kahit na gabi-gabi akong nilalamon ng konsensya, inis at pagkadismaya sa aking sarili. Ayaw ko nang bumalik sa nakaraan. Ayaw ko nang magkaroon pa ng anumang koneksyon kay Ria o maging kahit kay Miguel. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat ng mga nangyari sa pagitan namin ni Miguel. Mali 'yon. Isang malaking pagkakamali. Pero paano ko gagawin iyon kung simula rin noong pangyayaring iyon ay hindi na niya ako tinantanan pa? Madalas siyang mag-text, hindi ko alam kung paano at saan niya nakuha ang numero ko. Madalas din siyang magpadala ng pagkain na mayroong maiksing sulat at kung anu-ano pang kakornihan sa buhay. Araw-araw din siyang pumupunta sa Café para bumili at kung tinamaan ng lintek ay maghapong tuma

