Para siyang tangang umakyat sa itaas at napapaisip. Malinaw naman at totoo na naroon sa bar si Royce. Pero paanong kasama din nito ang ate niya sa oras na iyon? Walang lakas niyang sinara ang kwarto dahil sa iniisip. Napasandal siya roon at nangunot ang noo. Baka naman umalis lang ito saglit tapos ay bumalik ulit sa ate niya? Napailing siya. Imposible dahil ang layo ng mansyon ng mga Consunji sa bar. Napad*ing siya matapos sumakit ang ulo niya. Pinagkibit balikat niya na lang ang naiisip, importante ay hindi natuloy ang honeymoon ng mga ito. Hindi rin siya pumasok sa opisina. Sa sobrang sakit ng ulo niya, nakatulog siya pagkatapos maligo. Bumaba lang siya matapos magutom, dinatnan niya pa sa sala ang Mommy at Daddy niya. "Where were you last night, Crystal?" malamig na tanong ng Daddy

