"Kumalma ka nga, Crystal! Nagiging masama ang ugali mo!" galit na sigaw sa kanya ng kanyang Mama. Pumirmi ang mga labi niya. Wala na siyang pakialam kung maging masama siya sa mga mata nilang lahat, ang mahalaga lang sa kanya ay ang mailigtas ang anak niya. "Sabihin niyo na lang kung nasaan sila. Ako na nga mismo ang pupunta roon—" "You don't need to do that. I'm here." Mabilis siyang natigilan sa malamig na boses. Kumalabog ang puso niya. Agad niya ring nilingon ang nagsalita. Nanliit ang mga mata niya rito. Nakasandal ito sa hamba ng pinto. "At sino ka namang damuho ka?" naguguluhang tanong ng Mama niya na siya ring tanong niya. Tinitigan niyang mabuti ang lalaki. Kasing katawan ito ni Raphael. Pamilyar din ang mukha nito at sa tingin niya ay minsan na niya itong nakita. Umangat a

