"Hmp, stop!" Mabilis niyang tinulak si Raphael at masama itong tiningnan. Nalasahan pa niya ang alak sa bibig nito kaya't lalo siyang nainis. "Ang kapal din naman ng mukha mo no?" hindi niya mapigilang angil kahit pa kulong pa rin nito ang katawan niya. Bumaba ang tingin niya sa labi nitong namamasa pa. Kita niyang bahagya nitong pinaglandas ang dila doon bago sumagot. "I'm giving you a choice. If you don't want it, then fine. Mas gusto ko namang nandito ka," mahinang sambit nito. Napakurap siya roon. Hindi siya agad nakasagot. Ewan niya pero bahagyang kiniliti ang tiyan niya dahil doon. Pero mas gusto niyang makabalik sa magulang niya. May mas magandang buhay para kay Serenity doon kaysa sa kinaroroonan nila ngayon. Akmang tatalikuran na siya ngunit kusang humawak ang kamay niya sa

