Bumagsak ang luha niya, "Paano naman ang baby ko, Royce? Paano ang anak natin?" diretsong tanong niya rito na alam niyang kinagulat ng pamilya niya. "A-nong sinasabi mo, Crystal? A-nong baby niyo ni Royce?" tigalgal na tanong ng ate niya. Kita niyang nanghina ito at napasinghap. Nangilid din ang mga luha nito. "What the hell are you saying, Crystal?" nalilito namang baling sa kanya ni Royce habang pilit na pinapakalma ang ate niya. "Shh, love. Don't cry, it's bad for the baby," bulong nito sa Ate niya. Lalo siyang napaiyak doon. Siya dapat ang inaalagaan nito dahil siya naman ang unang nabuntis! Two months na ang tiyan niya! Nilakasan niya ang loob at humarap sa mga magulang niya ngunit malakas na sampal ang sinalubong ng Daddy niya sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niyang napahawak

