KABANATA 27

1101 Words

Mabilis niyang nilukot ang papel na hawak. Paglingon niya sa katulong ay halatang kinakabahan ito sa reaksyon niya. "M-a'am—" "Sino po bang amo ninyo?!" mababa ngunit madiin niyang tanong. Napalunok ito, "Hija, huwag mo na lang intindihan iyan—" "Kaligtasan ko po at ng anak ko ang nakasalalay dito kaya paanong hindi ko iisipin?!" hindi niya mapigilang magtaas ng boses. Pumikit siya nang mariin, pakiramdam niya talaga ay hindi siya ligtas at hindi siya kumportableng may nagmamatiyag sa kanya. "Please, Yaya Lilit. Sabihin niyo na po sa akin. Hindi po normal lahat ng ito," pagmamakaawa niya. Pagmulat niya pa ng mga mata ay naiiyak na rin ang matanda. "Aminin niyo nga po kung ang amo rin ba ninyo ang nagpapadala sa akin ng pera?" "Hija, magpahinga ka na muna—" "I'm right?" Natawa siy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD