Nag-walk out siya roon. Hindi na nga niya sinuri pa si Serenity, alam naman niyang aasikasuhin iyon ni Yaya Lilit. Dumiretso siya sa banyo ng kwarto. Agad niyang binuksan ang shower upang mabanlawan ang katawan niyang narumihan ng lupa. "Sh*t!" naiinis niyang atungal matapos maramdaman ang hapdi ng mga kalmot ni Melonin sa kanya. Ni-off niya ang shower para lang makita ang mga sugat niya sa braso, malalalim at tingin niya ay mag-iiwan ng pekas iyon. Pumikit siya nang mariin upang pigilan ang matinding galit ngunit imbis na sigaw ay hikbi ang kumawala sa bibig niya. Hindi niya lubos maisip na hinayaan niya ang babaeng iyon na sugatan siya, pati yata buhok niya ay nabawasan ng marami dahil sa sabunot nito! "Bwisit talaga!" Mahina siyang humikbi matapos maalalang kinampihan pa ni Rafae

