KABANATA 13

1178 Words

Matinding pagpipigil sa pag-iyak ang ginawa niya. Hindi na rin siya bumili ng steak sa sobrang sama ng loob. Alam niyang wala siyang karapatan pero hindi niya maiwasan. "Do you want early dinner, Crystal? Mamaya pa uuwi ang ate mo at ang Kuya Royce mo. May date sila," bungad sa kanya ng Mommy niya noong makarating siya sa bahay. Lalo siyang nainis noong makitang nakangiti at mukhang masaya ito para sa ate niya, maging ang Daddy niya ay ganoon. Hindi niya maiwasang humarap sa mga ito. "Alam niyong may date sila hindi niyo man lang sinabi sa akin?" hinanakit niya. Nangunot ang noo ng Mommy niya at nabitiwan ang hawak na kutsara. "Bakit naman sasabihin pa sa'yo, Anak?" Doon siya natauhan. Oo nga naman. Napapikit siya nang mariin. "Hays! Hindi po ako kakain," sambit niya na lamang. Aga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD