Lumakas ang bulungan sa paligid noong mas matitigan nila si Serenity. May narinig pa siyang nagsabi na totoo ang chismiss sa kanya, na totoo na anak ni din Royce ang anak niya. Nanatili siyang nakataas ang noo kahit pa alam niyang hinuhusgahan na siya. Hinawakan niya rin nang mahigpit sa kamay si Serenity noong makalapit sa kanya. Hinarap niya ang ina na nanlalaki pa rin ang mga mata. "Mommy, this is Serenity Consunji, your first granddaughter," malakas na pagdidiin niya na kinasinghap ng mga naroon. "Gosh, anak din ba ni Royce ang bata?" tanong ng isang Ginang. Sasagutin sana niya iyon kun'di lang namutla ang Mommy niya. Nangunot ang noo niya noong hawakan nito ang d*bdib na tila hindi makahinga. Lalapit na sana siya ngunit kita na niya ang Ate Courtney niya na patakbong lumapit. "W

