"Sh*t! Umiiyak ang anak mo! Pagbuksan mo si Serenity, Raphael," utos niya rito. Naguguluhan itong napakamot sa ulo. Bandang huli ay sinuot muli nito ang pants bago tumungo sa pinto. Humagilap siya ng roba ngunit ang longsleeve nito ang napulot niya. Nagmamadali niyang binutones. Sumakto iyon hanggang hita niya. Hindi nga pala siya nakapagpalit ng pantulog kagabi. "What's wrong, Sweetie?" dinig niyang pagsuyo rito ni Raphael. Sinuklay-suklay niya ang buhok gamit ang kamay. Gusto niyang lumapit sa dalawa pero mas pinili niyang umupo sa gilid ng kama at panoorin ang mag-ama niya. Suminghot si Serenity. Magulo ang buhok nito at basa pa ang pisngi dahil sa luha. "I'm s-cared, Daddy. I heard Mama screaming," sumbong nito. Namilog ang mga mata niya dahil doon. Masyado ba siyang maingay at

