Battle

1589 Words
Luke Maximus Finn’s POV   Matapos maglaban ni Draco at Dominique ay nagtawag pa ng ibang kaklase si Mr. Chen, kami nalang ni Kiera ang hindi pa.   Ang ganda nya.   Tinawag na kami ni Mr. Chen, dinala ko na ang longspear na gagamitin ko sa laban namin ni Kiera. Sabay kaming naglakad sa unahan.   Nakarinig ako ng mga bulungan.   "Ang yabang naman nya"   "Bakit wala syang dala na weapon? Akala nya ba ay kaya nya si Luke?"   "Grabe, napakalakas naman ng hangin na dala ng babaeng yan"   "Matatalo lang sya dyan. Ano bang ginagawa nya?"   "Ms. Ainsley, wala ka bang gagamitin na weapon? Hindi mo kakayanin si Mr. Finn" sabi ni Mr. Chen   Hindi sya sinagot ni Kiera. Tinignan ko lang sya, maya maya ay may lumabas na nagaapoy na espada sa kamay nya.   Napa gasp ang mga kaklase ko.   Hindi naman nagtagal ang apoy dahil namatay din agad nung inikot ikot ito ni Kiera.   Pero teka, bakit may apoy sa espada nya?   Lalo akong nagkakainteres sa kanya dahil sa mga kakaiba nyang pinapakita sa amin.   Umiikot kaming dalawa. Tinatantiya kung anong unang gagawin at kung sino ang unang gagalaw.   Umabante ako at agad syang sinugod, pinatama ko sakanyang hita ang dulo ng longspear para ma out of balance sya pero agad nya itong nasangga ng kanyang espada. Naglikha ito ng ingay sa pagkiskis ng espada at dulo ng long spear ko. Lumapit sya sakin tsaka pinatama ang hawak na espada sa kaliwang binti ko, hindi ko yun napansin kaya natamaan ako, ang bilis nyang gumalaw. Panay tama lang ng sandata namin ang naririnig ko sa loob ng Training Hall. Umatras muna ako para makahinga dahil sa pagkapos ng hininga. Habang naghahabol ng paghinga ay hindi ko sya napansin. Agad nya akong sinuntok sa mukha kaya napahiga ako at nabitawan ko ang long spear ko. Kinuha nya ang long spear ko at tinulungan akong tumayo.   "Wag mong alisin ang tingin sa kalaban Luke." Alam kong narinig yun ng lahat.   Umatake syang muli gamit ang espada mabilis ko iyong sinangga. Nakahorizontal ang long spear ko na hinaharangan yung ginawa nyang atake. Mabilis nyang inalis iyon at tumakbo paikot. Hindi ko na napansin ang sunod nyang ginawa dahil nakatutok na ang dulo ng kanyang espada sa leeg ko. Mabilis kong tinaas ang dalawang kamay ko tanda ng pagsuko.   Mabilis sya. Malakas din ang bawat atake na ginawa nya. Tsk, natalo ako ng babae. Hahahaha   Inalis nya ang espada sabay tawa sakin. Tumingin ako kay Mr. Chen, nakatingin sya kay Kiera, tumingin ako sa mga kaklase ko at nakita ang gulat sa mata ng iba.   Tinignan ko ang mga kaibigan namin. Isabella and Harlow has shocked reaction. Carter is smiling. Seryoso lang ang mukha ni Dominique, tinignan ko si Draco, amused ang makikita sa kanyang mata habang nakatingin kay Kiera na tumatawa sa laban namin kanina lang.   Natapos ang oras naming kay Mr. Chen, hindi pa muna kami lumabas dahil dito din ang next subject namin which is Power and Ability. Naguusap lang si Isabella, Harlow at Kiera, nakatingin lang ako sa likod ni Kiera nang magsalita si Draco katabi ko.   "What can you say about her?" pagtatanong ni Draco   "Interesting, amazing and beautiful." Sabi ko habang nakangiti.   "Hoy, anong klase salita yan Maximus?" pagsingit sa usapan ni Carter   "Nothing. I just find her interesting. Why, Draco?"   "Can she be with us?" Draco   "With us, where?" Carter   "Battle, next month." Sabay na sabi na namin ni Draco.   "Will she agree with that?" ako na ang nagsalita dahil natahimik kaming tatlo sa sinabi namin ni Draco.   "Whatever happens, I will understand her reasons." Carter   Gusto nya lang mag aral, hindi pa nya alam ang tungkol sa battle, at lalong hindi pa nya alam na kasali na kami doon. Paano na lang ang buhay nya kapag may nangyari masama sakanya sa loob ng arena. Paano nalang din kami.   Nawala ang pag iisip ko ng pumasok si Ms. Riley ang guro namin sa Power and Ability.    "We're not going to train your powers and abilities. This is the first day class of representatives, so our headmaster made sure that they will know about the yearly battle between every academy in this country."   Shit! Bakit ang bilis naman nilang ipaalam sa mga representatives. Dapat next week pa ah! God, Headmaster Jones!   Dahil nasa likod ako ni Kiera ay hindi ko nakikita kung ano mang reaction nya. But I know Isabella and Harlow has the same reaction as mine. What now?   "For you to know Ms. Ainsley. Ang paaralang to ay naghahanap ng dalawang representatives every district para pumili ng ipapasok sa eskwelahang ito. Dalawa ang paglalagyan mo, kung magaling kana at nagpakitang gilas, pasok ka agad sa kasali sa battle na gaganapin matapos ng isang buwan. Kung hindi ka naman nakitaan ng kagalingan ay hahasain ka dito para pagdating mo ng fourth year ay masasali kana."   "Anong ibig mong sabihin?" walang reaksyon na tanong ni Kiera.   Nakakakaba naman. Tsk   "Ibig sabihin ay maaari kang masali sa battle na iyon." Sabi ng kaklase naming si Monica   "You can go to library, if you have a lot of questions in your mind. It can help you." Nakangiting sabi ni Ms. Riley   Nagsimula syang magdiscuss na hindi ko na inintindi. Naiinis ako dahil nalaman agad ni Kiera, ano na kayang iniisip nya.   Tsk.       Kiera's POV   "Ibig sabihin ay maaari kang masali sa battle na iyon." Natigilan ako lalo sa aking narinig.   Anong klaseng battle? Anong klaseng labanan?   Tumingin ako sa kaliwa't kanan kung saan katabi ko si Harlow at Isabella. Hindi nila ako matignan ng maayos.   Nagdiscuss ng nagdiscuss si Ms. Riley pero hindi na ako nakinig. Masyado yata akong kinabahan sa narinig kong maaari akong maisali sa battle na iyon.   Katulad ng kaba na ito ang naramdaman ko noong paalis palang ako ng district 20.   Ibig sabihin, tama ang kutob ko? May hindi magandang mangyayari?   Umiling ako at inalis sa utak ko ang mag iniisip ko.   Isa lang ang kailangan kong gawin. Kailangan kong pumunta sa library. Sasabog ang utak ko dito, unang araw ko palang na mag aaral, bakit biglang may labanan silang sinasabi sa akin?   Nang matapos ay agad kaming bumalik sa classroom para sa last subject namin, History   Nagdiscuss lang si Ms. Quanco tungkol sa past kung saan nanggaling ang aming mga iba't ibang kapangyarihan   Hindi na ako nakinig dahil nabasa ko na ito.   Noong 1955 ay ang Singh ang namumuno sa aming mundo. Si Aro Singh ang nagtataglay ng pambihirang lakas. Ang lahat ng kapangyarihan ay kaya nyang mapasakanya. Hindi nya nilagay sa kapahamakan ang pinamumunuan nyang mundo at inalagaan nya itong mabuti, pero kahit na anong ayos ng mundo noon ay may mga tao padin talagang mapaghangad. Gusto nilang mapasakanila ang buong kapangyarihan ni Singh. Ngunit hindi yon maaaring mangyari hangga't walang tagapag mana si Singh kaya naman ang punong ministro o ang pangalawa sa makapangyarihan sa kanilang bansa ay pinakasal si Aro Singh sa kanyang dalang anak na si Miradeth Luxy Sierra. Ginawa lahat ng kanyang ama ang dapat gawin para sila ay ipakasal.   Hindi nagtagal at nagmahalan naman si Aro at Miradeth, hindi na iniisip ni Miradeth ang pinapagawa sakanya ng kanyang ama dahil mahal na nya si Aro. Binigyan nya ng tagapagmana si Aro na si Alec Sierra Singh. Maging ang batang ito ay pinalaki ng maayos ng mag asawa. Ngunit talagang hadlang ang ama ni Miradeth gusto nyang mapasakanya ang kapangyarihan ni Aro.   Hindi pa man nya naipapasa ang kapangyarihan kay Alec ay pinatay na nya mismo ang ama ng kanyang mahal na asawa. Dahil sa sama ng loob ni Miradeth ay umalis sya ng palasyo at natagpuan nalang na patay malapit sa bangin ng kanyang asawa. Magmula noon ay hindi na makikitaan ng saya ang mukha ni Aro.   Nang humantong sa tamang edad ang kanyang anak na si Alec ay pinasa na nya ang kanyang buong kapangyarihan sapagkat hindi na nya ito kakailanganin, tumatanda na sya at kailangan na nyang ipahinga ang katawan. Si Alec na ang namumuno sa aming mundo sa taong 1978. Naging mabait din sya at mas naalagaan ang mundo sa kanyang termino. Hindi nagtagal ay kailangan nya ding mag asawa para magkaroon ng tagapagmana pero hindi iyon nangyari. Hindi sinabi sa libro ang dahilan kung bakit wala syang tagapagmana at nawalan na din sya ng kapangyarihan bilang mamahala sa buong bansa.   Sa taong 1984 ay nagkaroon ng digmaan na nag ugat para mawalan sya ng kakayahang mamahala sa bansa. Upang walang maghangad sa kanyang kapangyarihan ay hinati nya ito sa walong simbolo. Sinabi nya na sa tamang panahon, kapag hindi pa din nagtapos ang mga naghahangad sa sobrang kapangyarihan ay may walong tao ang magwawakas sa kanilang kasamaan. Ang walong taong binigyan ng sobrang kapangyarihan pero isa sakanila ang susunod sa aking yugto. Sya ang magbabalanse ng mundo at sya ang makakakuha ng katulad kong kapangyarihan upang may patunay na sya ang susunod na mamumuno sa bansa na inyong winasak. Isinumpa nya ito sa harap ng mga masasamang tao na nais syang paslangin.   Doon nagtatapos ang History tungkol sa mga pinuno ng aming mundo.    Natapos ang oras ng klase. Na sya namang ikinatuwa ko dahil makakapunta akong library para malaman kung ano meron sa paaralang ito.   Gusto pa sana akong samahan ni Isabella at Harlow pero humindi na ako dahil ayaw kong may naiistorbo kapag nagbabasa ako. At kailangan kong intindihin kung ano nga ba ang pinasok ko.   Nauna nang lumabas ang anim. Nagpaiwan talaga ako para sana, hmmm.. wala lang. Naisip ko lang yun e   Lumabas na ako para dumiretso sa library.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD