JERLYN
"Good afternoon po, Mo-Mommy, Dad-daddy." Nau-utal at nahihiya ko'ng bati sa mga magulang ni Arnel pagdating namin sa kanilang living room. Lumapit ako sa kanila at nagmano. Ganun din ang ginawa ni Arnel sa kanyang mga magulang.
"Good afternoon din ijah." Magkasabay na bati ng mga magulang ni Arnel.
"Kamusta ang trabaho sa munusipyo?" Tanong ni Daddy sa amin pagkaupo namin sa couch. Nakasuot pa rin si Daddy nang pang opisina kaya baka kararating niya din galing kapitolyo.
"Mom, Dad. We're married." Wika ni Arnel sa halip na sagutin ang tanong ng kanyang Daddy.
"What." Magkasabay na tanong ng magulang ni Arnel na tila gulat na gulat. Katulad din kanina sa reaction ng mga magulang ko nang sinabi ko na kasal na kami ni Arnel. Duon kami dumiretso sa bahay pagka galing namin sa munusipyo. Pagkatapos namin kausapin ang mga magulang ko. Dito naman kami pumunta.
"Yes Mi, Di. Nag perma kami ng marriage certificate. Pero magpakasal naman kami sa simabahan." Seryuso na sabi ni Arnel saka pinagsiklop ang aming kamay. Nakayuko ako habang kinakabahan.
"Ginamit mo talaga ang pagiging mayor mo Son. Excited ba talaga kayo? Anyways nasa tamang edad na naman kayo. Congratulations to both of you. So mabigyan niyo ba kami ng apo?" Nakangiti na tanong ng Daddy ni Arnel.
"Nagtatampo ako sa inyo. Bakit hindi niyo manlang kami pinapunta kanina sa opisina mo Arnel. Alam m naman na excited na kami sa kasal niyo. Pero kahit nagtatampo ako, masaya pa rin ako sa inyo. Finally totoong manugang na kita talaga ijah. Welcome to our family. Congratulations to both of you." Naluluha na sabi ni Mommy at binuka ang kanyang kamay. Kaya lumapit ako saka yumakap sa kanya.
"Maraming salamat Mommy, Daddy. Mahal ko ho si Arnel kaya hindi na ako makapag hintay ng kasal namin sa simabahan. Saka para wala na siyang kawala." Pagbibiro kong sabi. Kaya napangiti si Mommy at Daddy.
"Kaya gustong-gusto kita para sa anak ko dahil nagsasabi ka talaga ng totoo. Basta bigyan niyo kami kaagad ng apo. Pero teka nga pala, ano ang sabi ni balae? Alam na ba nila ang ginawa niyo?" Pagkuwan na tanong ni Mommy.
"Yes, Mi. Nanggaling na kami sa bahay nila, bago kami pumunta dito." Sagot ni Arnel.
"Bukas magpahanda ako ng hapunan sa bahay niyo ijah. Kahit kasal na kayo ni Arnel. Gusto pa rin namin mamanhikan ng pormal." Wika ni Daddy.
"Maraming salamat po Daddy, Mommy." Sambit ko.
"Mi, Di. Punta muna kami sa room ko. Magbihis lang ako." Paalam ni Arnel.
"Magbihis ka lang, bakit kailangan kasama pa si Jerlyn?" May panunukso'ng tanong ni Mommy. Mahina naman na tumawa si Daddy.
"Honey, halika sa kwarto natin. Magbihis din
ako." Pa ngiti-ngiti na sabi ni Daddy saka nauna na silang umalis sa living room. Bigla ako'ng binuhat ni Arnel kaya napatili ako sa gulat. Yumakap nalang ako sa kanyang leeg ng maglakad siya papunta sa hagdan.
"Ganito daw ang ginagawa ng bagong kasal misis." Wika ni Arnel habang paakyat sa hagdan.
"Tsk! Dami mo'ng alam. Saka nakahihiya baka makita tayo ng mga kasama niyo dito sabay. Kaya ibaba mo na ako." Ani ko. Pero umiling siya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.
"Gusto ko'ng buhatin ang Asawa ko." Malambing niyang sabi at hinalikan ako sa noo. Sumobsob nalang ako sa kanyang dibdib dahil sa kilig. Pagdating namin sa loob ng kanyang kwarto, maingat niya ako'ng pinahiga sa kanyang kama. Nakaligo na ako kanina sa bahay kaya hindi ko na kailangan maglinis ng katawan mamaya. Dito kasi ako matutulog sa kanya.
"Sabi mo magbibihis ka, kaya magbihis ka na muna." Wika ko saka binuhay ang kanyang tv.
"Maligo muna ako sweetie. Baka gusto mo ako'ng samahan at paliguan." Nakangiti niya sabi. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin.
"Ang sungit ng asawa ko. Buntis na ba kaagad?" Nakangisi niyang sabi. Ngunit hindi ko na siya sinagot.
"Okay ka lang ba dito. Mabilis lang ako." Aniya. Tumango ako habang naghahanap ng chanel na maganda. Kaagad naman siyang pumunta sa banyo, narinig ko ang lagasgas ng tubig sa loob ng banyo. Habang hinihintay ko siya na lumabas, parang kinakabahan ako sa kung anong mangyari. Kanina n'ong nasa couch kami sa opisina parang gusto ko na angkinin niya ako. Pero ngayon parang kinakabahan na natatakot ako. Naghahanap ako ng chanel pero ang utak ko, iniisip kung ano ang mangyayari mamaya. Hanggang sa pinatay ko ang tv dahil wala naman ako'ng mahanap na magandang palabas. Umayos ako ng higa sa kama upang hintayin si Arnel. Hindi naman nagtagal lumabas siya ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya sa baywang. Habang pinupunasan ang kanyang ulo ng maliit na towel. Bumangon ako saka sumandal sa kama.
"Akala ko manuod ka ng T.v bakit naka off naman sweetie?" Tanong ni Arnel nang tumabi siya sa akin. Naamoy ko pa ang kanyang gamit na shower gel.
"Wala ako'ng mahanap na magandang palabas. Saka parang inaantok ako. Balak ko sanang matulog." Sagot ko saka kinuha ko ang towel sa kanyang kamay at ako na ang nagpatuloy sa pagpunas ng kanyang ulo.
"Tuyo na, magbihis ka na." Utos ko sa kanya. Ngumiti lang siya at nagpasalamat sa akin. Pagkatapos hinawakan ang aking kamay. Nagkatinginan kami habang unti-unting lumapit ang kanyang labi sa labi ko.
"Sweetie,pwedi ba ngayon na?" Namamaos na tanong ni Arnel. Napalunok ako ng aking sariling laway. Hindi pa ako nakasagot nang naglapat na ang aming mga labi. Napapikit pa si Arnel habang hinalikan ako. Humawak naman ako sa kanyang leeg at pumikit din na nakipag halikan sa kanya. Dahan-dahan na pinahiga ako ni Arnel habang hindi napuputol ang aming halikan. Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aming puso.
"I love you sweetie. Thank you dahil naging asawa na talaga kita. I love you so much." Wika ni Arnel habang patuloy kaming naghahalikan. Mahigpit ang kapit ko sa kanyang likod nang dumagan siya sa aking ibabaw.
"I love you, Arnel." Hinihingal ko'ng sabi nang maghiwalay ang aming labi ng kinapos na kami pareho ng aming mga hininga. Hinaplos niya ang aking mukha kaya napapikit ako.
"I will be the best husband to you sweetie." Aniya habang namumugay ang kanyang mga mata na walang kurap na nakatingin sa akin.
"Thank you, Arnel sa pagmamahal at sa pagbabalik mo. I promise to be a good wife for you." Malambing na sabi ko sa kanya. Matamis siyang ngumiti at muling naghalikan kami. Hanggang na tuluyan na akong ma-angkin ni Arnel.