CHAPTER SIX

1201 Words
JERLYN Lunes ng umaga kaya kailangan ko'ng makapunta sa munusipyo ng maaga dahil may flag ceremony. Kaya mabilis lang ako'ng naligo dahil baka ma-late ako. Habang nagsusuklay ako ng buhok may kumatok sa pintuan. "Sweetie." Narinig ko ang boses ni Arnel mula sa labas. Napangiti ako, kaya habang sinusuklay ko ang aking buhok lumapit ako sa pintuan para pagbuksan si Arnel. Pagbukas ko, malawak ang ngiti niya sa kanyang labi. "Good morning sweetie." Bati niya sa akin. Niyakap niya ako saka hinalikan ako sa labi. Pumasok siya sa kwarto saka kinuha ang suklay sa aking kamay. "Good morning, akala ko mamaya ka pa darating. Patapos na rin naman ako." Ani ko sa kanya. Pinatalikod niya ako saka siya na ang nagsuklay ng aking buhok. "Gusto ko makita ang fiancee ko, kaya inagahan ko na. Umalis na pala si Tita at Tito, nagkasalubong ko sila sa pintuan. Pinapasok nalang nila ako. Sa opisina nalang tayo mag breakfast." Wika ni Arnel habang sinusuklay niya ang aking buhok. Tumango ako saka umayos ng tayo para mabilis niyang matapos ang pag suklay niya ng aking buhok. Ina-amoy niya pa ito. N'ong sabado duon ako natulog sa kanila. Kahapon ng hapon lang ako umuwi sa bahay. Masayang masaya si Tita Mina at Tito Arley nang sinabi ni Arnel na engaged na talaga kami. Ganun din si Mama at Papa. Kaya gusto niya din ipaalam sa munusipyo na kami nang dalawa. Walang nangyari sa amin n'ong n'ong araw na nagkabalikan kami. Hanggang yakap at halik lang ang namagitan sa amin. Ayun lang tiningnan niya lang ako'ng hubad saka hinalikan ang aking dalawang bundok. Pagkatapos nagpahinga kami hanggang sa tinawag kami ni Tita Mina na kumain ng hapunan. Pagkatapos namin mag hapunan nanuod kami ng Netflix kasama si Tita at Tito. Nang sumapit ang alas nwebe nang gabi, bumalik kami sa kanyang kwarto upang matulog. Magkayakap lang kaming nakatulog. Sinabi ko din sa kanya na parang marami nang gumagamit ng endearment na baby. Kaya sweetie nalang daw ang itawag niya siya akin. "Done, sweetie let's go. Kailangan makaabot tayo ng flag ceremony. Gusto ko sabihin sa kanila ang tungkol sa atin." Malambing na sabi ni Arnel habang yakap ako mula sa aking likuran. "Arnel kailangan ba talaga? nakahihiya. Baka kung anong sabihin nila, saka baka magalit ang secret admirer mo." Nakanguso ko'ng sabi. Matagal ko na kasing alam na may gusto si Vice Mayor kay Arnel. Iyun din ang usap-usapan sa munusipyo. Hinawakan niya ako sa balikat saka pinaharap sa kanya. "Ikaw lang gusto ko. Saka gusto ko'ng ipagsigawan sa lahat na ikaw ang mahal ko at gustong pakasalan. Kaya tara na." Yaya ni Arnel saka hinawakan niya ang aking kamay. Siya pa ang nagdala ng aking bag palabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang sasakyan at siya na rin ang nagkabit ng seatbelt sa akin. Mabilis niya ako'ng hinalikan sa labi at umikot papunta sa driver seat. Napangiti ako dahil ganito siya nuon n'ong naging kami n'ong highschool days. Kaya kinikilig ako dahil bumalik kung paano niya ako alagaan at mahalin. Pagkaupo ni Arnel sa driver seat hinawakan niya ang aking kamay. At ang isa niyang kamay ang nasa manibela. Kaagad na rin siyang nagbyahe papunta sa munusipyo. Nag-usap lang kami tungkol sa nakaraan namin. Hanggang sa dumating kami sa tapat ng munusipyo. Pagdating namin sa tapat ng munusipyo lahat ng empleyado nasa oval na para sa flag ceremony. Gusto ko nga sana na dumiretso nalang sa opisina ni Arnel ngunit pagbukas niya ng pintuan sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay papunta sa harapan. Kaya lahat ng empleyado napatingin sa amin lalo na sa magka sugpong naming kamay na dalawa. Nakangiti si Vice Mayor habang papalapit kami ni Arnel ngunit biglang nawala ang kanyang ngiti ng makita niya na magkahawak ang kamay namin ni Arnel. Nang makarating na kami ni Arnel sa unahan. Nag-umpisa kaagad ang flag ceremony. Nag-umpisang magdasal pagkatapos pina tog-tog ang Lupang Hinirang. May kunting program pa at batian. Ang akala ko tapos na, ngunit nagulat ako ng kinuha ni Arnel ang microphone. Habang hawak niya pa rin ang aking kamay. "Good morning everyone! Lahat sa inyo nagtatanong nuon sa akin kung may girlfriend na ba ako. Last week sa team building na ginawa natin I said I'm engage. Now I want to tell to all of you that my secretary Jerlyn Agua si my long time girlfriend since we're in highschool. May hindi lang sinasadya na pangyayari kaya nagkalayo kami. Now this is the right time na sabihin at ipaalam ko sa inyo na, me and Jerlyn are now engaged." Wika ni Arnel. Saka tinaas ang aking kamay na may suot na diamond ring. Lahat napasinghap dahil sa gulat. Alam kasi ng iba na masungit sa akin si Arnel. Pero sa huli bumati silang lahat sa amin. Bumati din si Vice Mayor pero ramdam ko na pakitang tao lang ang pagbati niya sa amin. Niyakap ako ni Arnel at hinalikan sa labi sa harapan nilang lahat. Malakas na pumalakpak ang lahat sa aming harapan. "Sinasabi na nga ba namin Mayor na may something talaga sa inyo ni Jerlyn." Sigaw ni Hazel. Ngumiti lang si Arnel saka hinapit ako sa baywang. Kime lang ako'ng ngumiti sa kanilang lahat. Pagkatapos kaming batiin ng mga empleyado sa munusipyo, hawak kamay kami ni Arnel na pumasok sa kanyang opisina. "Congratulations, Mayor! Ma'am secretary. Sa wakas hindi na maging masungit si Mayor dahil nagkabalikan na kayo. Saka hindi niya na sasabihin na kay ma'am Mina galing ang mga pagkain na binibigay ni Mayor sa iyo." Pambubuko ng body guard ni Arnel. Mabilis na tumakbo ang dalawang body guard ni Arnel nang sinamaan niya ito ng tingin. "Totoo naman ang sinabi nila. May pa Mommy, Mommy ka pa'ng nalalaman. Sa iyo lang pala galing ang mga pagkain at kung ano-ano pa. Sungit-sungitan kunwari hindi naman pala ako matitiis." Kantiyaw ko kay Arnel pero niyakap ko siya sa kanyang baywang. Ngumiti din siya saka yumakap pabalik sa akin. "Trabaho na Mayor." Ani ko ng pinisil niya ang aking baywang. "Payakap lang sweetie." Paglalambing niya sa akin. Pagkatapos umupo siya sa kanyang swivel chair at pinaupo niya ako sa kanyang hita. Nakatalikod ako sa kanya, kaya pinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. "Sweetie pwedi ba na sa bahay ka mamaya matulog? Gusto lang kitang mayakap. Please?" Parang bata niyang pakikiusap. "Okay, basta magtrabaho ka muna." Sagot ko saka balak ko sanang tumayo para lumabas papunta sa aking mesa. Pero ayaw niya ako'ng pakawalan. "Dito ka lang sa loob, ipalilipat ko dito mamaya ang mesa mo. Gusto ko kasama kita dito habang nag ta-trabaho ako sweetie. I love you. Pakasal na kaya tayo ngayon. Total ako naman ang mayor, kaya pwedi nalang permahan ang marriage certificate natin." Malambing niyang sabi sa puno ng aking tainga at hinalikan ang aking leeg. Bigla ako'ng nakaisip ng kalokuhan. "Saan ang marriage certificate permahan na natin." Natatawang sabi ko. "I'm not joking sweetie. I'm serious, I have a copy of marriage certificate in my cabinet." Seryuso na sabi ni Arnel. Ngumiti lang ako sa kanya saka hinalikan ko siya sa labi. Handa naman ako'ng magpakasal sa kanya kaya kung gusto niya permahan nalang ang marriage certificate payag rin naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD