JERLYN ----AFTER THREE MONTHS ----- Tatlong buwan na kaming nagsasama bilang mag-asawa dito sa aming bahay. Oo may bahay na kami ni Arnel. Nagulat nalang ako nuon nang magising kami banda alas kwatro ng hapon, niyaya ako niya ako na may pupuntahan daw kami. Nagulat nalang ako na dinala niya ako sa isang malaking bahay. Pinagawa niya daw ang bahay naming dalawa habang nasa ibang bansa siya. Kaya heto kami ngayon nagsasama na sa isang bahay bilang mag-asawa. Mula nang magsama kaming dalawa puro masaya ang araw namin. Pinaramdam sa akin ni Arnel ang kanyang pagmamahal, ang pag alaga. Pinatigil niya ako bilang secretary niya para daw magka baby na kami. Kahit masaya ako, nakaramdam pa rin ako ng lungkot dahil tatlong buwan na kami ni Arnel hindi pa rin ako na buntis. Nagka check up na rin

