THIRD PERSON Napangiti nalang ang magkaibigan na si Doktor Tom at Doktor Mat nang biglang nahimatay si Arnel. Sobrang nag-alala naman si Jerlyn nang makita si Arnel na humandusay sa sahig. "Late reaction." Pa ngiti-ngiti na sabi ni Mat, saka binuhat si Arnel palabas ng operating room. "Mayora, don't worry, Arnel is fine." Sabi ni Tom kay Jerlyn. "Kung gusto mo munang matulog Mayora, matulog ka muna. Dadalhin ka pa sa recovery room at ang mga babies naman dadalhin sa nursery room. Duon na dalhin ni Mat si Arnel sa.kwart mo." Paliwanag ni Doktor Tom kay Jerlyn. "Maraming salamat Dok. Inaantok na nga ako." Mahinang sabi ni Jerlyn. Nakaramdam siya ng antok at pagod. Kaya pumikit siya para matulog muna. Nang matapos linisan ang mga babies dinala na sila sa nursery room. Si Jerlyn naman

