JERLYN "Bruha ka frenny, bakit hindi mo ako tinawagan para may kausap ka? Alam mo naman na kahit buntis ako. Nandito pa rin ako bilang kaibigan mo. Kamusta ka ngayon? Okay ka na ba? Mabuti walang nangyaring masama sa iyo. Saka huwag mo'ng pilitin ang sarili mo na magkaanak kaagad. Darating ang araw na magkaruon din kayo ni Arnel. Frenny kapag may problema ka, tawagan mo ako. Nuon nasa tabi kita n'ong panahon na nagka problema ako. Ngayon kung kailangan mo ng tulong o kausap tawagan mo ako kaagad." Wika ni Joy sa kabilang linya. Na pag-alala sa kanyang boses. Tatlong araw mula nang may nangyari sa akin at inoperahan ako. Ngayon lang kami nakauwi sa bahay. Nandito ako sa loob ng kwarto, habang si Arnel lumabas para kumuha ng pagkain. Kaya naisipan ko na tawagan si Joy at i-kwento ang nangy

