ARNEL Nang dumating ako sa ospital nasa loob na ng kwarto si Jerlyn ngunit tulog pa rin. Sinabi daw ng Doktor na tatlong oras pa bago magising si Jerlyn. Lumapit ako saka umupo sa upuan kaharap siya. Nasa kabilang gilid naman nakaupo ang mga magulang namin. "Kamusta anak? Naayos mo na ba ang baby?" Malungkot na tanong ni Mommy. "Yes, Mom." Mahinang sagot ko kay Mommy. Hinaplos ko ang kamay ni Jerlyn na may nakalagay na swero. "Anak, iho sana huwag mo'ng pabayaan si Jerlyn. Kung ano man mamaya ang maramdaman niya sana magkasama niyong dalawang harapin. Sana kakayanin niyo iho. Nandito lang kami hindi namin kayo pababayaan." Wika ni Mama. "Opo, Ma. Kakayanin ko. Pasensya na ho sa nangyari." Malungkot ko'ng sabi kay Mama. "Huwag mo'ng sisihin ang sarili mo anak sa nangyari. Walang gus

