Nakatingin sa amin ang lahat ng mga nakasalubong namin sa ACC. Taas noo akong naglakad katulad ng nakasanayan ko. Kahit sa loob loob ko ay nahihiya ako, pinilit ko pa rin maglakad ng nakataas ang noo at umaktong normal sa harapan ng mga taong nakakakilala sa akin. Ang ibang nakasalubong namin ni Finn ay nag bubulong bulungan pa kapag nakikita kaming dalawa. “Finn, bitawan mo na ang kamay ko.” Bulong ko at pilit na hinihila ang kamay ko dahil hawak pa rin niya ito mula ng bumaba kami sa sasakyan niya kanina. “No, hayaan ang mga taong nakakita sa atin para alam nila kung ano ba talaga ang estado ng relasyon natin na dalawa.” Saad Niya at hinapit ako palapit sa kanya. Kagat ang ibabang labi na nag patuloy ako sa paglalakad at hinayaan ko na lang siya sa gagawin niya. “Miss Sabellena, mukha

