“Miss Sabellena tinatawag po kayo ni miss Buenaventura sa office niya." Anj ni Macy sa akin pagdating ko sa studio. " Sige susunod na ako.” Sagot ko naman sa kanya. Mula nang pumutok na ang tungkol sa amin ni Finn ay marami pang nagsilabasan na larawan namin nang papatunay na na may relasyon kaming dalawa. Hindi rin nag sasakita tungkol sa amin at tahimik lang ito kapag may nagtatanong sa kanya. Ganun din naman ako., hindi ako nagsasalita kapag may mga reporter na nagtatanong sa akin. Ayaw ko ubusin ang energy ko sa kasasagot lang ng mga tanong nila. Paglabas ko ng dressing room ko agad akong sinalubong ng isa pang showbiz reporter Na katrabaho ni Lenevy. “Hi, Edna. Pwede ba na mayanong kita kahit sandali lang?" Nakangiting tanong niya sa akin. Mas pina seryoso ko pa ang aking mu

