Sa loob ng tatlong araw, nagawa niyang iwasan si Eric. Sinisigurado niyang hindi siya nag-iisa upang wala itong dahilan upang malapitan siya. Kung hindi si Louise ang kasama niya, ang kanyang ina naman ang kinakapitan niya. Alam kasi niyang mahihiya itong lapitan siya kung kasama niya ang ina. Abala ang lahat sa gagawing first birthday party ni Lyon. Bagamat walang inimbitang mga kilalang tao ang mag-asawang Gwain at Kits, masaya na ang mga ito na kasama ang pamilya, ganoon din ang mga trabahador sa buong hacienda. Mas pinili na kasi ng mag-asawa na manirahan sa hacienda. Masaya ang dalawa sa payak na pamumuhay ng mga tao dito. Ngunit kung may mga pagkakataon na kailangan nilang pumunta sa isang pagtitipon na hindi nila matanggihan, pumupunta naman ang mga ito at minsan nga ay is

