Nagkatinginan sila at lalong humigpit ang hawak sa isa't isa. "Oh, you're awake!" Bati sa kanila ni Gwain ngunit walang kangiti-ngiti. Napalunok siya. Iba ang dating kapag si Gwain ang nagsasalita at seryoso ang mukha. Para siyang bibitayin. "Love," bumaling ito sa anak. "Would you mind taking your cousin to your room? May pag-uusapan lang kami and kids are not allowed to listen," nakangiting sabi nito. Tumango naman ang pamangkin niya at hinawakan sa kamay si Micah, ang anak ni Shanz. "Tita, Ynah," napatingin siya sa dalawa na sabay na tinawag ang pangalan niya. "Thank you for the puppies po ulit! We will surely take care of them," nakangiting sabi ni Kelly sa kanya." "You're welcome," yumukod siya upang mahalikan ng dalawa sa pisngi. "You go inside na," ginulo niya ang

