Huminga siya nang malalim bago i-dial ang telepono. Ngayon na niya kakausapin ang ina tungkol sa divorce nila ni Eric. Alam niyang mahihirapan siyang mag-explain dito dahil kung paanong nagulat ito sa madaliang pagpapakasal niya. It's already ten in the morning. in Manila and five in Oxford. She cannot sleep the whole night because of all the anticipation of what will be the outcome of her meeting with Eric. "Good morning, Mommy," bati niya dito pagkasagot ng telepono. "Busy po ba kayo?" "Nandito na ako sa tindahan. Dahil Linggo ngayon, maraming mamimili mamaya pero ngayon, matumal pa," kuwento nito. Nakikita niyang panay ang paypay nito. "Wala po ba kayong electric fan diyan?" Tanong niya. "Meron kaso siyempre kailangang magtipid. Pwede namang magpaypay. Bubuksan ko na lang

