Nakahanap sila ng kapatid kung saan pwedeng mag-patahi ng gown. Magaganda ang mga reviews na nakikita niya sa internet. "Sana maayos gumawa," sabi niya sa kapatid nang makalabas sila sa shop. "At in fairness, hindi mahal ha, kasama pa ang tela." "Mahal na yang bente mil, g*ga," sabi nito sa kanya. "May pera ka lang kaya mura sa iyo." "Hindi naman. Nakaipon lang ako," sagot naman niya. "Hindi ka lang basta naka-ipon. Maganda talaga ang trabaho mo kaya malaki ang suweldo," umismid ito. "Sana all, di ba?" "Mas okay naman yang ukayan kasi sarili mo ang oras mo. Ako kulang na lang, pakasalan ko ang trabaho ko." Napabuntong-hininga siya. "Nasa iyo naman kung magpapaka-lunod ka sa trabaho eh. Ngayong nandiyan na si Eric, dapat may oras ka na sa kanya. Huwag lang puro work. Kaila

