Kinuha niya ang gown na ipinagawa niya at maganda ang hapit nito sa katawan niya. Lumabas ang hubog nito. Nag-selfie siya upang ipadala ang larawan kay Richie. Naisipan na din niyang bumili ng puting sapatos na babagay sa gown niya. "It looks perfectly on you," sinipat siya ni Justine, ang may-ari ng shop na iyon. Ito din ang nakausap niya nang pumunta sila doon ni Shanz at nakuha nito ang lahat ng gusto niyang detalye. "You got curves, Dear." "Thank you," muli niyang sinipat ang sarili at natutuwa siya sa outcome talaga. Worth it naman ang ibinayad niya dito kahit na may kamahalan kumpara sa ibang patahian. "I love it! And the cloth you used is?" Tumingin siya dito matapos tignan ang sarili. "I used silk and organza," sagot nito sa kanya. "With the glossy and sleek face of

