Alas onse na nang umaga pero ngayon ko pa naisipang gumalaw ulit. Bumangon na ako kaninang alas otso para mag - almusal. Pero iyong katawan ko kanina ay nagloko. Kakainit palang ng puwet ko sa upuan kanina ay bigla akong nakaramdam ng antok. Kaya natulog ako ulit. Medyo okay na iyong pakiramdam ko. Hindi katulad kanina na halos minu - minuto ay hinihikab ako.
Sa sobrang pagod ko ay nakaligtaan ko ng maligo ng maaga. Ang dami ko rin kasing ginawa kahapon. Kaya ganito kung makasingil ang katawan ko sa pahinga.
Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok doon.
"Pasok," paanyaya ko sa kumakatok.
Bumukas naman iyon at iniluwa roon si Mama. Napangiti ako nang makita ko siya. Kaagad ako tumakbo sa kanya para yumakap.
"Kamusta ang tulog ng bunso ko?" malambing na tanong ni Czarina Delgado, ang aking ina.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Napapikit akong napasandal sa balikat niya. "Ayos naman po, Mama." Humiwalay ako sa kanya. "Medyo nasobrahan lang ata ng kaunti. Tinanghali na naman ako ng gising."
"Ang dami mo rin siguro ginawa sa shop mo kaya siningil ka ng husto ng katawan mo," alalang untag ni Mama sa akin.
"Medyo nga po."
Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. "Nako, ikaw talaga."
Napatawa ako sa ginawa niya. Napahawak ako sa ilong ko nang bitawan na niya iyon.
"Siya nga po pala, Mama. Napadalaw po yata kayo rito? Na - miss na naman ninyo ako?" pabirong tanong ko sa kanya.
"Sira." Pinalo niya ako sa braso. "Pumunta ako rito para sabihin sa iyong hinanap ka ng Papa mo."
Dahan - dahan nawala sa mukha ko ang ngiti ko.
"Bakit po, Mama?"
Napabuntonghininga siya. "Saka na natin pag - usapan kapag nandoon na tayo sa study room niya." Hinaplos niya ang buhok ko. "Kailangang pumunta ka roon. May importanteng sasabihin ang Papa mo."
Napakagat ako ng labi. Hindi pa nga lang kami nakapunta sa kuwarto niya ay nagsimula nang lumikot ang utak ko para mag - isip.
Hindi ako malapit sa Papa ko. Pinapansin man niya ako pero ramdam ko ang nginig ng kalamnan ko kapag nag- uusap kami. Maganda ang trato niya sa akin. Nanaig lang talaga iyong takot ko sa kanya sa tuwing nag - uusap na kami. Kilala kasing istrikto si Don Kavier Delgado; ang aking Papa. Kahit ang mga tauhan namin ay takot sa kanya kapag nakikita nilang nagmamatyag ang Papa sa pastulan.
Mas kasundo ni Papa si Kuya. Naintindihan ko naman iyon. Sa aming dalawa ni Kuya, si Kuya ang mas may alam sa Hacienda. Ako naman ay hanggang hilig lang sa hayop at bulaklak.
"Sige po, Mama. Mag - aayos lang po ako saglit." Saka ko siya iniwan para magpalit ng damit.
Nakapangtulog pa kasi ako at kagagaling ko pa sa tulog. Alangan namang haharap ako sa kanila na hindi ako presentable. Magagalit ang Papa ko kapag nagkataon.
Binilisan ko ang ritwal ko. Nanghilamos nalang muna ako at saka nagsepilyo ulit. Pagkatapos ay nagpalit na ako ng pulang bestida. Hindi na ako naglagay ng pulbo dahil nasa bahay lang naman ako.
Pagkalabas ko sa shower room ay naabutan ko si Mama na nakatingin sa portfolio ko. Yumakap ako sa likod niya.
"Ang ganda ng mga gawa mo, nak," sabi pa niya. "Kailan kaya ako makapag - suot ng alahas na ikaw ang design."
"Asus! Nagpaparinig." Napangisi ako.
Tinulak ko siya nang dahan - dahan sa likod para makapunta siya sa higaan ko. Habang ginawa niya iyon ay abalang - abala siya sa pagbubuklat ng portfolio ko. Inaalalayan ko siyang maupo roon. Saka ko siya iniwan saglit at lumapit sa tokador ko.
Binuksan ko ang pinakagitnang niyon at kinuha roon ang isang box na pinag - ingatan ko.
Pagkarating ko sa harap niya ay binuksan ko muna iyong malaking box. Pinatingin ko iyon sa kanya. Nang makita niya iyon ay naitabi niya iyong mga design ko.
Tinignan niya pa ito noong una. Napahawak pa ito sa dibdib niya habang nakatingin sa necklace na denisinyo ko para sa kanya. Napangiti ako. Hindi pa kasi rin siya makapagsalita simula noong pinakita ko ito.
"Naisip ko po kasi kayo noong gumagawa ako ng design noong nakaraang buwan. Noong isang araw pa iyan natapos sa paggawa." Hinalikan ko siya sa ulo.
"Nag - abala ka pa talaga kang bata ka," sabi niya pero iyong mata niya ay hindi na maalis sa necklace na binigay ko sa kanya.
"Siyempre, kayo lang po ang nakakaintindi sa akin eh," sabi ko pa sa kanya.
Yari sa perlas ang ginawa ko na kwentas para kay Mama. Ang nakapagitan sa perlas ay isang white gold na may kapinuhan din ang desinyo. Gusto ko iyong desinyo na kapag tinitigan mo pa lang iyong mga batong nakakabit sa kwentas ay hint ka na kung ano ang personality ng isang tao. June Gemini kasi si Mama, kaya pinili ko iyong batong alexandrite para sa pendant na kulay lila. Korteng parisukat ang batong iyon na ang nakapalibot naman ay isang maliit na diamond stone.
"Suotin mo po ito kapag may okasyon, Mama."
Kinuha ko iyon sa lagyanan at saka isinukat sa kanyang leeg. Habang ginagawa ko iyon ay napahawak at napatingin si Mama sa batong pendant.
"May mas maipagmayabang na yata ako nito sa ginawa mo, Anak."
Napahalakhak ako sa sinabi niya. Pinaharap ko siya sa akin pagkatapos kong ikabit iyon. Napalakpak ako. Bumagay sa balat at mukha ni Mama ang dinisenyo ko.
"Sige,Ma. Tapos kapag nagtatanong sila kung sino ang designer sabihin mo ako." Saka ko siya kinindatan.
"Ba't parang naging model ang dating ko no'n, Nak?"
Napabungisngis ako. "Para makatipid na rin ako sa talent fee, Mama. Kaya flaunt lang ng flaunt iyang alahas na iyan para may costumer ako."
Pinitik niya ang noo ko. Napahawak ako roon.
"Pati ba naman ikaw ay negosyo na rin nasa utak?"
Napakibit- balikat ako. "Mama, anak pa rin ako ni Papa. Siyempre, utak negosyante rin ako."
Pinitik na naman niya ang noo ko. Napabusangot na ako sa ginawa niya.
"Mama, naman. "
"Umayos kana. Lalabas na tayo. Pakihubad na itong alahas."
Napilitan akong sundin siya. Pagkatapos kong hubarin iyon ay ibinalik ko ito sa langyanan.
"Thank you sa alahas, Alejandra." Napatingin at napahawak pa siya sa box. "Pero kailangan na nating lumabas. Huwag natin pahintayin ng matagal ang Papa mo." Hinaplos niya ang buhok ko.
Unti - unti nagbago ang emosiyon sa mga mata ko. "S- sige po, Ma." Saka ako umalis sa higaan ko.
Tumayo ako at inayos ko ulit ang damit ko. Nauna nang lumabas si Mama kaya naiwan ako roon. Nang masiguro kong okay na ang itsura ko ay sumunod na ako sa kanya.
Nasa pangalawang palapag ang kuwarto ko. Iyong study room naman ni Papa ay nasa kaliwang bahagi ng bahay at nasa pangalawang palapag din. Kaharap ito ng kuwarto ko. Iyong akin ay nasa kanang bahagi ng bahay samantalang iyong kanya sa nasa kaliwa.
Biglang naging malikot ang utak ko. Gusto kona malaman kung bakit pinatawag ako ni Papa kaya lang si Mama. Napatingin ako sa kanya na nauna ng kaunti sa akin na maglakad. Nasa kaliwang kamay niya ang box.
Walang sinabi ang Mama kaya mas lalo akong nagtaka kung bakit ang lungkot - lungkot ng mga mata niya. Hinaplos niya pa ang buhok ko kanina.
Hindi kumibo ang Mama habang naglalakad kami kaya mas lalo akong kinakabahan. Masyado siyang tahimik. Ni hindi man niya ako nilingon. Binilisan niya pa ang lakad niya kaya mas lalong lumaki ang nakapagitan sa amin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya huminto ako. "Ma, may problema ba?" Nilakasan ko nang kaunti ang boses ko para marinig niya.
Dahan - dahan siyang napahinto. Akala ko ay magsasalita na siya pero nanatili siyang nakatayo. Ni hindi nga siya humarap sa akin.
"Ma?" tawag ko ulit sa kanya.
Saka pa niya ako binalingan. Ngumiti siya pero parang namamalikmata yata ako. Paano, pilit kasi iyong ngiti niya . "Wala naman, Anak."
"Mama."
Ngumiti siya saka siya lumapit sa akin. "Saka na, anak ha?" Bumalik siya sa akin at hinawakan niya ako sa braso. "Halika na. Baka magalit pa ang Papa mo. Kanina ka pa niya pinapatawag."
Napilitan akong sumunod sa kanya. Hindi na rin ako kumibo.
Napadaan kami sa malaking bintana ng bahay. Tuwing gabi ay tinatakpan iyon ng malaking kurtina na kulay pula.
Gawa sa malaking salamin ang bahaging iyon kaya kitang - kita sa labas ang mga trabahador ni Papa sa hacienda.
Bigla akong napahinto. Napatingin ako sa mga tauhan ni Papa. Abalang - abala ang mga ito sa pagbubungkal. May nakita pa akong isang lalaki na hila ang isang puti na baka.
"Halika na," pukaw ni Mama sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Sumulyap ulit ako sa labas. Nang hinila ni Mama ang braso ko ay nagpatangay na ako sa kanya.
Tahimik naming binaybay ang pasilyo. Kung nagsasalita lang iyong mga paintings at banga na nadadaanan namin ay kanina pa siguro kami sinasaway ng mga ito. Hindi ko rin alam kung paano magbukas ng usapan kay Mama dahil okupado ang isip ko.
Kung anu - ano na ang naisip kung dahilan kong bakit ako pinatawag. Nagkausap na kami kagabi kaya malabing mangangamusta pa siya. Napakunot ang noo ko.
Tinatawag naman niya ako. Pero iba ang kutob ko. Kapag sa study room kasi kami mag - uusap ay tiyak na malaking bagay ang pag - uusapan namin.
Mayamaya pa ay nasa harap na kami ng pintuan ng study room. Kumatok si Mama ng tatlong beses. Saka pa siya pumasok. Dumiretso ito sa gilid ng upuan ni Papa at doon ay isinampay ang kanang braso at umupo sa hawakan ng upuan ni Papa. Nailapag na rin nito sa la mesa ang ibinigay ko sa kanya.
Napakunot pa ang noo ko dahil hindi lang pala si Papa ang nasa loob. Pati si Kuya Luis ay nandito rin. Nasa kanang upuan nakaupo na nakaharap din kina Mama. Nalaro ko iyong mga daliri ko. Nadiin pa nang hintuturo ko iyong palad ko kaya mas lalo akong napepressure.
"Pasok ka, bunso," tawag ni Papa sa akin.
Bumuntonghininga pa ako bago ko nagawang naihakbang ang mga paa ko. Napatingin ako kay Kuya. Pinukol ko siya nang nagtatanong na tingin pero iniwasan lang niya ako. Napabuntonghininga pa nga ito kaya mas lalong akong nadagdagan ang nasa isip ko.
Napaupo ako sa harap ni Kuya. Tinitigan ko siya. Napansin niya siguro iyon kaya binalingan niya rin ako saka ngumiti.
"May problema ba?" diretsahang tanong ko sa kanila.
Pero ni isa ay walang nagsalita sa mga ito kaya mas lalong dumagundong ang puso ko.
"Oo o wala lang naman ang sagot doon," nagpipikang ani ko sa kanila.
Pero iyong mga kamay ko ay hindi na mapakali. Nagsisimula na ring mangangatal ang mga ito. Palihim kong naikagat ang ilalim mg labi ko.
Si Kuya na ang sumagot, "Ali." Hinawakan niya pa ang kamay ko.
Napatingin ako sa kanya. Nakatukod na iyong dalawang braso niya sa tuhod. Bubuka ang bibig niya pero wala naman akong narinig sa kanya.
"Bunso," tawag ni Papa sa akin.
Napabaling ako sa kanya. "P-po."
Bigla itong umayos ng upo. Tinukod nito ang dalawang braso sa la mesa. "Alam kong naguguluhan ka na kaya didiretsuhin na kita. " sabi pa niya. "Natatandaan mo pa ba iyong lupain na malapit sa talampas?"
Napaisip ako sa sinabi ni Papa. Ang tinutukoy nito ay iyong bakanteng lupa na puro d**o lang ang nakatubo. Sakop pa rin ito ng lupain ni Papa at isa rin ito sa namana niya sa kanyang Papa.
Madalas akong tumatambay roon. May isang malaking puno kasi ng mangga roon sa gitna kaya roon ko igunugogol iyong oras ko kung minsan para magguhit. Hindi ko pwedeng kalimutan iyon dahil isa iyon sa pinakaimportante sa akin. "Opo."
Tumango si Papa. "May gustong bumili sa lupang iyon."
Napakurap ako. "Tama ba ako ng rinig?"
Napabuntonghininga ito. "Alejandra, hindi ako nagbibiro."
Naririnig ko si Papa. Naiintindihan ko ang sinabi niya. Ang ipinupunta niya pero ang puso ko, hindi ko alam kung ano ang isasagot. Nagkahalo - halo ang emosiyon ko. Ni hindi ko makuhang maupo ng maayos.
Gusto kong isipin na nagkamali lang ako ng rinig. Na baka nagbibiro lang si Papa at pinagtulungan lang nila akong tatlo.
Pero nang makita kong nakatingin si Kuya Luis sa akin. Parang dahan - dahang gumuho ang mundo ko. Napailing pa si Kuya saka ito tumayo at humarap sa bintana. Nakapameywang pa ito.
Lumala sa pangangatal iyong mga kamay ko. Naikuyon ko pa ang mga iyon. Sinusubukan kong pakalmahin amg sarili ko.
"P- pero Papa, alam mo naman hindi pwede. Alam mo kung bakit."
Biglang lumapit si Mama sa akin at inalo ako. "Hija, Ali." Hinawakan niya ako sa kamay. Napansin niya ang pamamasa roon kaya bumalatay kaagad sa mukha niya ang pag - alala." Alam namin ng Papa mo. Kaya nga pinapaalam namin sa iyo."
Napatingin ako kay Mama. Tinignan ko siya sa mata. Ito ba ang iniisip niya kanina? Ito ba ang bumabagabag sa kanya?
Iniisip ko palang ang mga tanong na iyon ay mas lalong sumikip ang utak ko sa kaka - proseso.
"Huwag kang mag - alala, Alejandra. Hinding - hindi ako papayag na ibebenta ang lupaing iyon. Gusto lang namin ipaalam sa iyo. Karapatan mo iyon lalo na at ..." Napayuko si Papa. ", Hija."
"Papa, mangako ka sa akin," nagsusumano ko pang ani. "Papa, mangako ka! Na hindi mo ibebenta ang lupa. Please!"
Ramdam ko sa sarili ko ang biglaan kong pagkahina. Ramdam ko rin ang agaran niyong reaksiyon. Pati iyong puso ko ay halos marinig ko na ang pagtibok nito.
"Hija, tahan na." Niyakap ako ni Mama.
Kusang tumulo ang luha ko. Kaya mas lalong nag - alala si Mama. Napahid ko ang unang luha na sumungaw sa mga mata ko.
"Papa, pag - isipan mo ito nang mabuti," sabat pa ni Kuya Luis.
Napatingin ako kay Kuya. Napailing ako.
Hinarap ako ni Mama. Hinaplos niya ang mukha ko. "Anak, makinig ka," ani pa niya. "Hindi namin ibebenta ang lupa. Pero may sasabihin kami sa iyo. Iniipit kami ng taong iyon. Na kung hindi kami papayag." Napapikit ng mariin ang aking ina. "Saka na natin pag - usapan iyon."
"Saka na?" takang tanong ko.
Napailing si Mama. "Hindi, hindi muna. Saka na muna," ani pa niya. "Ang importante nalaman muna ang tungkol sa lupa."
Pinilit kong ayusin ko ang sarili ko. Pinunasan ko rin iyong natirang luha sa mga mata ko. Tumayo ako at lumapit ako sa isa pang la mesa. Nakaharap din ito sa study table ni Papa. Nagsalin ako nang tubig at mabilis kong nilagok ang laman ng baso.
Pabagsak kong inilagay iyon. Naitukod ko ang dalawang kamay ko sa la mesa. Wala akong marinig sa kanila pero ramdam ko ang titig nila sa akin. Napayuko ako dahil doon.
Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano solusyunan ang mga nagay na ito. Ni wala akong alam kung ani iyong ipinagkait nilang sabihin sa akin. Iniisip ko palang iyon ay nagdidilim ang paningin ko.
Napatangu - tango ako saka pumikit. May luha na namang bumuo sa mga mata ko kaya kaagad ko iyon inalis. Hinarap ko ulit sila at bumalik sa upuan.
Natapik ng mga daliri ko ang la mesa. "Alam ninyo kung gaano ka importante sa akin ang lugar na iyon, Papa," panimula ko pa. "Alam ninyo iyon." Napatingin ako sa kanila. "Iyong sinasabi ninyong iniipit, ang ibig niyo bang sabihin ay may utang kayo sa taong iyon? Iyon ba ang sinasabi nila?"
Si Papa kaagad ang sumagot. "Hindi, Ali. Hindi." Nasapo nito ang noo.
"Kung ganoon ay bakit hindi ninyo masabi?"
"Dahil alam namin na hindi mo magugustuhan iyon, Alejandra," direstsahang sabi ni Mama.
Doon na naman ako napatigalgal. "Hindi ko gusto?" Napakurap ako.
May gustong na ngang bumili ng lupa. Tapos ngayon pa nila naisip na hindi ko magugustuhan? Talagang hindi ko magugustuhan sa una pa lang kaya mas gugustuhin ko nalang malaman kung ano pa iyong sinisekreto nila.
Wala naman sanang problema kung ipagbili namin iyon. Kami pa nga ang magkakapera kung tutuusin. Nagkataon lang na maling lupa ang pinili nito. Labas ako rito kung ibang lupa ang gusto nila kunin. Kaso iyon pa talaga ang gusto nila. Hindi na bale na kung ibang lupa ang bilhin nila huwag lang talaga ang lupang nasa talampas. Magkakandamatayan muna kami bago nila mabili ang lupang iyon.
Tulad ngayon, nagkandagulo kami dahil lang dito. Kung sa iba ay masisiyahan dahil magkakapera sila, ako ay hindi. Ngayon palang nangangamba na ako sa kung anuman ang nangyari.
Kung mabigat man ang kondisyunes na ibinigay ng taong iyon, alam kong mapipilitan sila Mama na ipagbili ang lupa. At iyon ang ikinatakot kung mangyari. Mawawalan ako ng kontrol sa lupa kapag nagkataon.
"Kung ayaw niyo man sabihin sakin ang kondisyunes, at least man lang." Nahilot ko ang aking kilay. "Sabihin ninyo sa akin kung sino itong Poncio Pilato ang nanggugulo ngayon sa buhay natin."
Parang biglang may dumaan na multo nang tinanong ko iyon. Biglang naging pipi ang mga kasama ko rito sa kuwarto na siyang mas lalong ikinalukot ng kilay ko. Tiningnan ko sila isa - isa. Lahat sila kapag nagtama ang mga paningin namin ay kaagad nagsi - iwasan. Nagtagis ang bagang ko.
"Tch. Sinabi ninyong may gusto bumili ng lupa. Okay, fine! May bibili! Pero ang gusto naman iyong nasa talampas kaya hindi naging okay. Lalo nasa akin," napipikang ani ko. "Ayaw ninyo sabihin sa akin kung ano ang kapalit kapag hindi tayo pumayag sa gusto nila, Okay nalang kahit na hindi! Kahit na litong - lito ako kung ano ang idedesisyon ko. Ngayon naman, itinatanong ko kung sino iyong gustong bumili, ayaw rin ninyo sumagot?" Tinignan ko naman sila isa - isa. "Masyado naman yata kayo nakakapikon?"
"Watch your mouth, Alejandra." I rolled my eyes when Papa said that word.
I scoff. "The hell I care?" Napatayo ako. " Hindi ko alam kung saan ako pupuwesto ngayon. Sa totoo lang. Tanggap ko naman na hindi ako kasali sa decision - making kapag tungkol sa Hacienda. Tanggap ko iyon. But please."
Napapikit ako. Biglang nagflash - back sa utak ko ang nangyari noong nakaraan. Kusang nanginig ang kamay ko nang maalala ko iyon.
"Please, Papa. Not this one. Not that land, Papa, Kuya," I mumbled.
Nagbabadya na namang sumungaw sa mga mata ko ang luha. Naitakip ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko.
"Oh sweetie," narinig kong anas ni Mama.
Lumapit na naman siya sa akin. Niyakap niya ulit ako. Nang maramdaman ko ang init nito ay kusang sumagot ang katawan ko. Pero hindi ako nagpadala sa emosiyon ko kaya mas lalong naging mahirap iyong pigilan. Malamig - lamig pa ang kamay ko nang hawakan ko ang braso ni Mama na nasa tyan ko.
Hinalikan niya ang aking ulo. Napapikit ako dahil doon pero kaagad kong ibinuka ang aking mga mata. Tinapik ko ang kanyang kamay para iparating sa kanya na magiging okay lang ako.
Pero alam ko naman sa talaga na mahirap maging okay. Lalo na't alam kong parang walang gustong pumanig sa gusto ko. Ramdam ko rin, na kahit sila ay nahihirapan sa problemang ito.
Narinig kong bumuntonghiniga si Kuya. Napatingala pa siya saglit. Pagkatapos niyon ay tumingin siya sa akin at napahaplos sa mukha niya.
"Gusto mo talaga malaman?"
Hindi kaagad ako nakasagot. Naging hudyat iyon para sabihin niya sa akin ang totoo.
"Si Ricardo. Si Ricardo ang gustong bumili ng lupang iyon, Alejandra." Tagis na bagang na usal niya. "Si Ricardo," madiin pa niyang usal ulit.
Kusang nabingi ang tainga ko.