Chapter 31

1760 Words

Tinanggal ko ang kamay ni Christian na nasa pisngi ko at yumuko. "Hindi ako pwede rito. Hahanapin ako nila Ryan," sabi ko sa maliit na boses. Dinig ko ang pagbuntog hininga niya. "I… I knew it," malungkot niyang sabi. "Sorry kung sinama pa kita rito. A-ang akala ko kasi…" hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin. "Tara, hatid na ulit kita," hindi na niya ako hinayaang magsalita pa dahil lumabas na siya. Sumunod na lang ako sa kanya. Agad din siyang umalis nang maihatid niya ako pabalik ng bar. Hindi kami nag-iimikan habang nasa byahe kami. Mas mabuti na rin iyon dahil wala naman akong alam sabihin sa kanya. Nandoon pa rin si Ryan sa pwesto namin nang makabalik ako, ngunit batid kong may kakaiba na sa kanya ngayon. Tumatawa siyang mag isa. Hinanap ko si Calyx at Kiel, nasa kabilang table

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD